Chapter 42❤️

2.4K 63 2
                                    

SOPHIE's POV

Hinayaan ko na lamang na hilain ako ni Drake Lee sa kung saang parte man ng academy namin. Dala narin sa sobrang pagka curious ko sa sasabihin niya ay, hinayaan ko na lamang siyang tangayin ako.

"D-drake saan mo ba ako dadalhin!"

Napansin kong napadpad kami ng aming mga paa sa likod ng academy. Di siya nagsalita ngunit nagulat ako nang sinandal niya ako sa pader. Nilapit niya ang mukha niya saakin, konting inches nalang mahahalikan na niya ako. Nagpumiglas ako pero dahil malakas siya ay di ako makawala sa pagkakakulong sakaniya.

"Dont move. May nakatingin saatin. Just trust me even just for now!"

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Di ko na kinakaya ang nangyayari saakin ngayon, pakiramdam ko eto na ang pinaka mapait na araw na di ko makakalimutan sa buong buhay ko.

"Huy drake, ano ba! Humiwalay ka na nga sakin!"

Humiwalay na siya sakin pagkasabi kong iyon. Lumingon siya sa isang tao di kalayuan saamin at napansin ko nga'ng tama si Drake na may nakamasid saaming dalawa. Napansin siguro niyang nakatingin kaming dalawa sakaniya, kaya tumakbo na ang lalaki na iyon palayo saamin. Bilib ako kay Drake, Kung gayon, ang lakas naman ng pandama niya!

"You need to stay with me, you need a protection!"

"W-what?! May boyfriend ako Drake at alam ko namang aware ka sa bagay na yun, kung mayroong po-protekta saakin, I think si JM iyon at hindi ikaw!"

"Let me finish first! Hindi mo ko maintindihan dahil wala ka pang ka alam alam sa nangyayari sa academy ngayon!"

Nagtaka naman ako dahil sa sinabi ni Drake.

"M-may dapat ba akong malaman? Or may di pa ako alam sa mga nangyayari ngayon?!"

"Oo Sophie! So please patapusin mo na muna ako bago ka magsalita!"

Yumuko na lamang ako dahil sa sobrang pagka-guilt.

"The upcoming war is now approaching. Busy ang lahat ng tao ngayon dahil hinahanda na nila ang academy natin sa posibleng pagsalakay ng mga kalaban. Kasama sa pagpa-plano'ng iyon ay ang pansamantalang paganunsyo sa breakup niyo'ng dalawa ni JM!"

Para bang unti unting nageecho saakin lahat ng mga naririnig ko.

"W-what do you mean na breakup? H-hindi ko kayang magbreak kami ni JM! D-di ko kayang mawala siya sakin!"

"Come on Sophie, isa lang yung pekeng breakup. Iaanunsyo lang mamaya sa lahat ng tao na break na kayo ni JM para mailigtas ka sa kapahamakan. Kasi once na malaman nila na ikaw ang taong mahal na mahal ni JM, maaari ka nilang gamitin para ipang blockmail laban kay JM!"

Di ko na kaya. T-teka Digmaan? Ibig sabihin magkakaroon ng nalalapit na digmaan sa academy namin? Natatakot ako...

"Di niyo na ako kailangan protektahan! Kaya ko na sarili ko!"

"Come on Sophie! Sumunod ka nalang saamin! Katulad ng kanina! Yung kaninang nakatingin at nakasunod saatin, spy yun ng mga kalaban. Sinisigurado nila na break na ba talaga kayo ni JM or hindi, kaya nga kunwaring hinalikan kita para magisip sila na may relasyon tayong dalawa at di mo na mahal si JM! Doon palang magiisip na sila na, kung kikidnapin ka nila, magiging useless lang ang lahat! Lahat ng to nakaplano Sophie so please for the mean time, just cooperate with us"

"A-alam ba to ni JM? Ibig sabihin pumapayag siya na mangyari ang lahat ng to?"

"Oo Sophie dahil mahal na mahal ka niya. He is willing to take the risk for you Sophie. He is willing to risk his own life just to assure that you will be safe!"

Nakatingin lang akong deretso sa mga mata ni Drake. Ang dami kong tanong sa utak ko. Gulo'ng  gulo na talaga ako. Bakit pa kasi kailangan pang mangyari ang lahat ng ito saamin ni JM?!

"B-bakit?! Di ko maintindihan. P-paano niyo nasabing may mangyayaring nalalapit na digmaan sa academy natin"

Nakita kong napailing nalang si Drake dahil sa inakto ko.

"Dahil nagaway na ang dalawa. Nagaway na si JM at Dev. Nanggaling mismo kay Dev na humanda na para sa nalalapit na digmaan. Digmaan kung saan kung sino ang mananalo ay magpapatunay kung sino talaga ang mamumuno ng mga schools na hawak ng mga gangster at mafia. Kung sino ang mananalo ay siyang ituturing bilang King of all the Supreme"

Napansin kong may nakatingin muli saamin sa di kalayuan. Kaya ang ginawa ko ay, Niyakap ko ng mahigpit si Drake at kinulong ko ang dalawang braso ko sakaniya.

"What are you doin Sophie?"

"There's someone behind us! He's looking directly on us...and Drake? I just want to say, Ill be cooperating with you. I want to save JM and promise me that he would'nt be harm" bulong ko sa tenga ni Drake. Alam ko sa malayuan, mukha kaming naghahalikan. Kita'ng kita ko ang lalaki na nakatingin saamin, akala niya siguro di ko siya makikita. Sige lang, kuhanan mo pa kami ng litrato, para maibalita mo sa mga kabaro mo ang badnews na natanggap mo! Na hindi mo ako magagamit laban kay JM!

"I promise it, Sophie!"

****

JUST VOTE AND COMMENT FOR NEXT UD.

Saranghae💕

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon