Chapter 27❤️

3.2K 87 6
                                    

SOPHIE's POV

Iyak lang ako ng iyak dito sa pier. Yep nandito parin ako hanggang ngayon. Nagbabaka sakaling bumalik si Supremo para bawiin lahat ng sinabi niya. Sa totoo lang di ko na talaga alam ang mga nangyayari saakin. Pati sarili kong nararamdaman, hindi ko narin maintindihan. Kasi sa totoo lang--Hindi ko talaga alam kung sino ba sakanilang dalawa ang pipiliin ko. Ang hirap naman 'kasing mamili, lalo na sa pwesto ko na pareho ko silang minahal.

"Bakit sobra akong apektado? Anong ibig sabihin nito?"

Malamig, mahangin at tahimik. Ako nalang magisa na nandidito sa pier. Buti na nga lang at walang nagrorondang mga tanod para sa curfew kundi malalagot na talaga ako nito. Alam mo yung feeling na damang dama ko talaga yung sobrang lakas ng hampas ng hangin sa pagmumukha ko, para 'bang sinasampal ako sa katotohanang may nagpaalam na. At ang kadiliman na bumabalot saakin, na nagpapahiwatig naman na wala na... wala nang kulay ang aking buhay.

Minsan pati sarili ko di ko narin talaga maintindihan. Aish--nakakaloka!

BEEP BEEP

Napatakip ako sa mukha dahil sa silaw na nagmumula sa bagong dating na kotse. Naaninag 'kong montero ang bagong parating na kotse at may doubt ako na baka si JD itong pa-dating..

"Shit! Buti nalang pala at pinuntahan kita dito, hindi mo alam kung gaano ako sobra sobrang nagaalala sayo!"

Napayakap ako kay JD dahil di ko na talaga mapigilan yung iyak ko. Tuloy tuloy lang yung tulo ng luha ko at ngayon ko lang din narealized na--ang hirap din palang pigilan ng luha, dahil minsan...kusa na talaga syang tumutulo lalo na't kung pagod ka na.

"B-bakit ka nandito?"

"Pinapunta ako dito ni JM, nandidito ka raw. Teka anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na nasa labas ka pa. Baka kung ano pa mangyari sayo. Nagaalala ako"

"Iuwi mo nalang ako please"

Buong byahe pinagmamasdan ko lang si JD ang ex ko. Busy'ng busy kasi siya sa pagdadrive kaya halos di narin niya ako napansin na nakatitig sakaniya. Gulong gulo na kasi ako sa nararamdaman ko ngayon. Napamahal na kasi ako kay Supremo pero parang may part parin naman sa puso ko si JD. Ayoko silang mawala pareho pero tama nga naman si Tito Adrian, hindi pwedeng lagi nalang ganito ang sitwasyo dahil kailangan ko ding magdesisyon.

"Tita ako na pong bahala kay Sophie!"

Currently nakauwi na kami sa bahay. Medyo nashock pa nga si mama nang makitang si Jd ang kasama ko paguwi. Sino nga ba kasi ang hindi magugulat kung yung ex ko pa mismo ang naguwi saakin sa bahay.

"A-ah o-ok!"

Inakyat lang ako ni JD sa kwarto ko, inihiga niya ako sa kama habang ako eh wala paring tigil na umiiyak. Nang makita niyang magulo yung kwarto ko ay nilinis niya muna yung mga kalat na nakakalat 'don. Dahil doon ay unti-unti narin akong napatigil sa pagiiyak para pagmasdan sya habang nagliligpit.

'Mahal parin nga ba kita Jd? O gusto ko lang makipag closure sayo?'

"Hindi ka parin talaga nagbabago. Kailangan mo parin ako sa tabi mo. Nawala lang ako, bumalik ka na agad sa dati na magulo ang kwarto" Nakatingin lamang ako sakaniya habang sinasabi ang mga iyon. Hindi naman siya directly na nakatingin saakin habang sinasabi ang mga yan kasi kasalukuyan parin syang nagpipiga ng bimpo sa may lamesa. For sure , ipangpupunas nya saakin yan.

"Pupunasan muna kita, sabi ko naman sayo na wag na wag kang magpapawis diba para hindi ka magkasakit!"

Di ko talaga maiwasan na hindi titigan si Jd. Aaminin ko na namiss ko din itong pagaalaga saakin ni JD. Pero posible din kaya na mahal ko parin siya gaya ng sinabi ni Supremo? Pero ayoko namang mawala si Supremo. Please gulo'ng gulo na talaga ako.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon