Chapter 37❤️

2.5K 71 4
                                    

JM's POV

"Sir baka po hinihintay na po ng daddy mo yung mga pinabili niya"

"Dont worry about that. We will not took long here, Ill just going to buy a new phone for Sophie then after that we may go home"

"Wala po bang cellphone si Mam Sophie sir? Eh paano po kayo nagkakatext at nagkakatawagan"

"None of your business"

Napatigil sa pagtatanong ang driver ko. Kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa nilalakaran namin. Ang daming store dito na nagbebenta ng mga ibat ibang klaseng phones. Yung iba sakanila ay may mga kanya kanyang saleslady pa na naghihikayat saamin na bumili sa store nila.

"Mr. Gwapo, bili na ho kayo dito samin. Matitibay na, mura pa ang mga cellphone namin dito. Cherry Mobile ho iyang mga iyan, gawa pa ng pilipinas" halatang nagbu-blush pa yung saleslady na lumapit sakin. Ini-indorso niya sa harap ko ang kanilang brand na binebenta, di ako manhid para di mahalatang kinikilig siya sa harap ko.

"Im sorry?" sabi ko.

"Miss ganito kasi, iba kasing brand ng cellphone ang hinahanap ng boss ko. Gusto kasi ng boss ko yung pang mamahalin"

"Ikaw manong driver ni Mr. gwapo, bumili na kasi kayo ng cellphone namin. Bakit pa kayo maghahanap ng mamahalin kung yung binebenta namin ay mura na at maganda pa ang quality ng phone---"

"Miss ganto kasi, kailangan na naming magmadali. Iba talaga ang hinahanap naming brand ng phone e"

Mukha'ng nagaaway na silang dalawa kaya bago pa magka world war 3, binuksan ko na ang wallet ko at inabutan ko ng 5,000 yung babaeng saleslady na nangungulit samin kanina pa.

"Whoaaa Sir ibig sabihin po ba nito bibili na kayo ng cellphone saamin? T-teka kukunin ko muna po yung manual namin"

Pinigilan ko siya.

"No. Just get this, I still have things to do"

"Ibig sabihin po ba nito sir, ibinibigay niyo saakin itong pera?! Naku po sir, maraming maraming salamat talaga! Totoo nga sabi nila, na sobrang yaman niyo po!"

Tumango lang ako bilang tugon. Umalis narin kami ng driver ko dun pero pansin kong naririnig ko parin siyang nagpapasalamat at sumusunod samin. Aish! Di pa ba sapat yung pera na binigay ko sakaniya?! Sunod ng sunod, ang kulit ah.

Huminto ako at hinarap siya.

"Sorry miss but I know you want my attention, let me clear things up, sorry but my attention is already belong to my girlfriend"

Napatigil siya sa pagsasalita. At alam kong this time...nadismaya siya dahil sa sinabi ko.

"Sorry po sir, sobra niyo lang po talaga akong fan na fan. Sorry po ulit sa pagpapa-pansin ko sayo. Di na po mauulit!"

Tumango nalang ako hanggang sa napagdesisyon na namin na umalis roon.

"Hays sir ang gwapo mo kasi ay. Pero akalain mo yun, kahit na ang daming nagkakandarapa sayo, pinapamukha mo talaga sakanila na may girlfriend ka na. Whoaaa! Sana lahat kagaya mo sir. Hahaha"

"What do you mean na sana lahat? How about you? Is it mean that you are not being loyal to your wife?"

Nasamid siya dahil sa pagtatanong ko.

"Alam niyo sir, normal naman saating mga lalaki yung ganun hehe. Syempre kahit na may mahal na tayo, may mga times din na napapalingon tayo sa iba"

"No. It is not normal. Kung sayo normal saakin hindi. Because if you really love a girl, you must be loyal to her. You must avoid her from being hurt. Kaya siguro nawawalan ng tiwala ang mga babae sa ating mga lalaki, dahil sa mga tulad mong lalaki na walang ginawa kundi manakit ng mga babae"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon