Chapter 7❤

4.3K 134 1
                                    

SOPHIE'S POV

Kasabay naming magdinner si kuya Jake. Mas okay na siguro iyon kaysa naman kaming dalawa lang ni mama ang sabay kumain ngayong gabi. May hindi pa kasi kami pagkakaunawaan ni mama at alam 'kong magiging awkward lang ang atmosphere kung kami lang dalawa ni mama ang kakain ngayong dinner.

After din ng dinner na 'yon ay hinatid ko narin si kuya sa labas. 8:30 PM na kasi kaya paniguradong baka hanapin din siya ni Tita Sandy.

"Sigurado 'kang okay ka na talaga ha?"

Masaya akong tumango. Ang sarap talaga sa feeling ng may taong nagpapagaan ng loob mo.

"Syempre po kuya okay na ako. Salamat nga pala ulit ah?!"

"Youre always welcome bunso"

Ayan na naman siya. Ginulo na naman niya buhok ko. Tch! Hilig talaga mang-gulo ng buhok 'eh.

"Kuya naman!"

Natigil ang aming paguusap nang nag-ring yung Iphone niya. Sinagot naman niya ito, pero nakakapagtaka lang dahil kinailangan pa niyang lumayo pa saakin para sagutin iyon.Nakakapagtaka naman kung bakit kailangan pa niyang lumayo? Ganun na ba talaga kaimportante ang tawag at hindi ko dapat marinig?

"I need to go. Just call me if you need some help huh? Bye bunso, love you! Mga bilin ko ha tandaan"

"I love you too kuya!"

Kumaway na ako at pinagmasdan na lamang ang kotse niyang palayo sa kinaroroonan ko.

Hayyys. Mamimiss ko na naman siya. Ayoko naman na kasi syang guluhin lalo 'nat sa mga panahon ngayon na isa na siyang ganap na SSG. Alam 'kong tambak na siya ng mga trabaho sa school at baka mamaya pag lumapit lamang ako sakanya ay maging istorbo lang ako.

Pinodlock ko nalang yung gate at pumasok na sa loob. Tinawag na kasi ako ni mama 'eh, atsaka kilala ko naman si mama, alam kong ayaw pa naman niyang lumalabas ako tuwing gabi.

Umakyat na ako sa kwarto ko at naghilamos na, syempre as usual hello kitty na pantulog na naman ang suot ko.Natapos na ako sa lahat lahat pero di parin talaga ako inaantok. Para bang gusto kong lumabas, para 'bang gusto kong pumunta sa seven eleven malapit saamin.

I think I'm craving. >_<

Jusko---Eto na naman ako sa pagcra-crave ko! Tinignan ko naman yung orasang nasa katabi ko. Its already 11:30, at sa tingin ko ay wala naman sigurong masama kung lalabas pa ako diba? Nasa village naman ako at paniguradong secure ang lugar dahil sa mga security guard.

Dahil doon ay dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto. Maski paglakad at mga kilos ko 'eh sinisigurado kong wala talagang nagagawang ingay. Nakasanayan ko na kasi talaga na hindi ako matutulog hanggat hindi nakakakain ng siomai sa seven eleven. Ewan ko ba laging hinahanap hanap ng mga alaga ko sa tyan yung siomai.

And at last. Nakahinga naman na ako ng maluwag nang tuluyang nasa labas na ako ng bahay. Kinuha ko nalang yung bike ko at ito nalang ang gagamitin kong sasakyan papunta doon. Atsaka kung gagamit rin naman kasi ako ng sasakyan, ay tiyak na makakagawa ako ng ingay na dahilan ng pagkagising ni mama.

"Nacheck mo na ba yung Sierra Madre Street? May mga kabataan pa ba doon?!" Tanong nung isang baranggay tanod.

"Wala na rin"

Shete! May curfew hours pala, buti nalang at nailiko ko yung bike ko sa Yellowbell Street kung hindi eh mahuhuli talaga nila ako. For sure, kalagitnaan ng madaling araw, 'eh nasa baranggay hall ako habang naghihintay kay mama na magpyansa saakin.

Tinanaw ko ang kabuuang street na 'ito. Nakakatakot naman rito, tapos wala man lang mga poste ng ilaw. Buti na nga lang at may dala akong maliit na flashlight. Sa sobrang kagustuhan kong makaalis sa madilim na eskinita na ito ay---Iniwan ko na talaga yung bisikleta ko sa doon sa isang sulok. Patuloy parin akong naglalakad at naghahanap ng palabas na daan.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon