Chapter 46❤️

2.7K 70 6
                                    

SOPHIE's POV

Dahil malayo sa kalsada ang school namin ay tinakbo ko pa hanggang sa pinakaloob ng kagubatan, akalain mo yun, sikat na sikat ang school namin pero kung pupuntahan mo yung pinaka school namin, as in 'tagong tago talaga sa mga tao. Hindi na tuloy ako nakakain sa sobrang pagmamadali, hindi ko alam kung ano nalang magiging lakas ko mamaya.

*One Message Received*

'Bes! Please kung ano man ang binabalak mo! Wag na wag ka 'nang tumuloy dito sa academy! Malalagot ako kay Supremo! Baka mapahamak ka pa rito, imbes na mamatay ako dahil sa digmaan, ay mukhang mamatay pa ata ako dahil sa magiging parusa ni Supremo saakin. Please bes, nagmamakaawa ako sayo, gusto ko pa sikatan ng araw!'

Halos tina-tadtad ako ni Vianca ng mga long messages na galing sakaniya. Pinipilit niya ako na huwag pumunta sa academy dahil delikado raw at baka maparusahan lang siya ni JM, once kasi na malaman raw ni JM na dahil sakaniya nalaman 'kong may 'kaguluhang nagaganap sa academy, ay tiyak na paparusahan siya. Atsaka wala naman siyang dapat na ika-bahala, wala naman akong balak na ilaglag siya. Atsaka ngayon pa ba ako aatras kung kailan, nandito na ako sa harap ng academy.

'Eastwood Academy'

Puro mga natalsikan na ng mga dugo ang nakikita ko sa pangalan ng school namin. Napansin ko 'ring unti-unti nang nagsasarado ang buong academy. Kaya heto at nagmadali na akong pumasok sa loob para makaabot pa kahit papaano. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang nakapasok na ako, at sa pagpasok ko, ay tuluyan naring nagsarado ang buong academy. Hindi ko na matanaw ang nasa labas ng academy dahil nakasarado at nakatakip na ito, ni kahit na anong butas wala na akong makita, hindi ko na makita kung ano ang itsura sa labas.Dumilim narin ang paligid dahil sa pagsasarado ng academy.

Takbo lang ako ng takbo. Halos masuka ako dahil sa bawat dinadaanan ko ay ang mga walang buhay na katawan ng mga schoolmates ko. May mga kalaban din rito na nakahandusay, halos lahat sila walang mga buhay at puro duguan. Pansin 'kong wala 'namang mga kalaban rito kaya nagpatuloy parin ako sa pag-takbo. Sa totoo lang--Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang tumatakbo, ngayon ko lang narealized na basta sugod lang ako without reminding na wala pala 'akong 'dalang kahit na 'anong sandata. Tanging tapang at lakas ng loob lang talaga ang pinanghahawakan ko ngayon.

"Shit!"

Na-alerto ako nang may humila saakin. Nagtago kami sa likod ng puno. Nakilala ko siya nang tinanggal niya ang nakatakip sa kaniyang mukha.Kasalukuyan din 'siyang may hawak hawak na dagger. 'Mukhang iyon ata ang ginamit niya sa pakikipaglaban.

"K-kuya J-jake?"

"Shit Sophie! ANONG GINAGAWA MO DITO? HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KADELIKADO RITO!"

Ngayon ko lang narealized na umiiyak na ako.

"Di ko hahayaan na may mangyaring masama sainyo kuya Jake lalo na ngayon na nagsarado na ang buong academy. Mas tanggap pa ng kalooban ko kung mamamatay ako kasama niyo!"

Nagsarado na kasi ang academy. Iisa lang ang ibig sabihin nito, 'paniguradong bilang na lang ang makakaligtas at makakalabas sa underground exit dahil ko-konti lang ang pwedeng lumabas roon, kung nagkataon, pwede rin na sama-sama 'kaming mamatay dito.

"Ssshh. Dont cry bunso. Ilalabas na kita ngayon din"

Umangal ako sa sinabi ni Kuya Jake. Kapag kasi may lumabas na sa underground exit na iyon, ay wala nang sunod na makakalabas. Kaya kung papaunahin nila akong palabasin, ibig sabihin nun na hindi na sila makakalabas pa, at hindi ako makakapayag na mangyari iyon.

"Sorry kuya. Ayoko!"

Because of that,I ran away to kuya Jake. Paniguradong pipilitin ako nun sa gusto niya. Sinubukan pa niya akong habulin, pero sinigurado ko talaga na hindi na niya ako mahahabol pa. Ayoko mangyari ang gusto niya. Sabay sabay 'kaming makakaligtas rito sa academy at ipapangako ko iyan!

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon