Chapter 5❤

4.9K 125 0
                                    

SOPHIE'S POV

"S-supremo?!"

"I am hungry. Lets go!"

Hatakin ba naman ako bigla.

Atsaka ano daw? Gutom? Aba pake ko ba kung gutom siya.

"Hoy bitawan mo nga ako! Anong gutom gutom ka dyan. Aba kumain ka ng magisa mo, wala naman siguro saakin ang kutsara at tinidor para di ka makakain 'dyan"

"Shut up weird girl, Ang bagal mong maglinis kanina kaya kasalanan mo bakit ako nagutom. Wag ka ngang malikot dyan. Isa pa at ikaw na ang kakainin ko!"

Adu wow!

Kapal neto. Kingina. Sana mabilaukan siya ng bongang bonga sa kakainin niya mamaya.

Atsaka kanina pa ako naglinis ng garden ah?! Ano yan hindi man lang sya kumain sa canteen? Ano ako isasama na naman nya para may utusan at pagtripan na naman?!

"Goodafternoon Supremo!"

Nagtaka naman ako ng lahat ng taong madadaanan namin ay nagbobow pa saamin o kaya pag di naman nagbobow, binabati naman 'tong lalaki na to.

Akala mo naman, Presidente ng Pilipinas. Tssk.

Mang Inasal

Wow! Mahilig din pala siya sa extra rice. Ahem! Mukhang may pagasang magkasundo na kami 'ah.

After that, pumasok narin kami sa loob habang hawak hawak niya ang kamay ko. Feeling ko tuloy parang kulang nalang magsupply ako ng kuryente sa meralco dahil sa spark na nararamdaman kong 'to. Bakit pa kasi kailangan hawakan ang kamay ko.

Pagkapasok namin ay halos punuan na dahil sa dami ng estudyanteng kumakain dito. Well, lunch break nga naman. Atsaka bukod sa lunch break, mas maganda kasing kumain dito kaysa sa iba, atleast dito hindi ka mabibitin kase may extra rice.

Pagkapasok namin kanina ay ang hiyawan naman ng mga babae dito, isama mo pa yung mga beki na patay na patay kay Jm. Pero pansin 'kong agad ding nawala yung ngiti nila ng mapansin nilang hawak hawak ni Supremo ang kamay ko. Nako! Kung alam niyo lang...kung alam niyo lang kung gaano kalalim yung mga titig nila, as in mga pamatay talaga. Dahil 'roon ay mas lalo 'kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Supremo para mas lalo silang mamatay sa inis. ^_^

"Just wait me here"

Nakarating naman kami rito sa isang table na naka-pwesto sa may dulo. Tumango lang ako sakaniya as a reply. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa counter and honestly speaking, I like how he walk specially the way he attract people. Sa bawat lakad niya, para talaga 'syang isang hari na binibigyan ng daan at artista na pinagkakaguluhan.

Hindi ko tuloy maiwasang maaalala sakaniya si JD...si Jd na kuya niya. Well hindi naman siguro  malabong magkapareho sila,kasi una sa lahat ay magkapatid sila.

Napailing nalang tuloy ako sa mga pinagiisip ko.

Yung totoo Sophie? Hanggang kailan mo iisipin 'yung gunggong na ex mo?!

"Order for no. 12 po mam!"

Wow. T-teka may fiesta ba? Hindi naman ako dragon kumain pero bakit ang daming pagkain na inorder? O baka naman mamaya ang kapalit nito ay ang paglilinis ko naman ng buong campus?! Jusko, napangiwi tuloy ako. kung ganon lang magiging kapalit ay di na talaga ako kakain.

"Ive got only 30 minutes vacant. So make it faster, weird girl!"

Punyeta! Weird girl na naman, sabing hindi nga sabi ako alien ay. Sabi kasi ng mama ko nung bata ako, ang mga alien lang daw ang mga weird creatures. Kaya 'yon ang dahilan kung bakit sa tuwing tinatawag ako ni Supremo na weird girl, ay hindi ko talaga maiwasang maisip na mukha akong alien.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon