Chapter 25❤️

3.4K 103 8
                                    

SOPHIE'S POV

Sa limousine ako kasalukuyang nakasakay at katabi ko rin ngayon si Tito Adrian. Actually, mayroon pa nga sa harap at likod namin na naka alalay na mga sasakyan, I think mga sampo? Hayyy. Ang yaman talaga ng pamilya nila JM. Nakokonsensya tuloy ako kasi, kung maka sigaw ako kanina sa dalawa akala mo eh ka level ko lang. Huhu remind niyo ko minsan na kailangan bawas bawasan ko rin yung pagka maldita ko sa dalawa 'neh?

Kutkot lang ako ng kutkot ng kuko ko. Konti nalang mapupudpod na siya. Hays! Kainis kasi...wala man lang mapag abalahan habang nasa byahe. Feeling ko tuloy mapapanisan na ako ng laway. Nakakatakot naman kausapin si Tito Adrian, oo alam ko dati mabait si Tito saakin pero syempre diba people change...malay niyo ngayon iba na. Di naman sa jinu-judge ko kaagad si Tito Adrian, pero syempre diba, high class na tao itong katabi ko, feeling ko nga eh parang kailangan ko pa tuloy maiperfect yung grade ko sa english para lang ma-assure kung tama ba yung mga grammars na pinagsasabi ko habang nakikipagusap kay Tito Adrian.

"Ahm.."

"Just calm, In a minute..we'll meet our destination!"

Uh-oh! Mind reader ba si Tito Adrian? Speaking of meet our destination, finally nandito na kami, Alam nyo ba--- I was being speechless and amazed sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ko sure kung dapat bang tawaging mansyon lang ito, kasi feeling ko talaga parang palasyo na 'eh. Nakakapunta naman ako dito dati, pero isang beses palang naman at yun ay nung mga time na kami pa ni Jd noon.

"Lead her to my office!"

The moment na sinabi yan ni tito Adrian ay na alarma kaagad yung mga alalay niya. Ang dami nilang mga naka men in black na nakabantay saakin, akala mo naman tatakas ako. Haler? Seryoso makakatakas pa ba ako sa laki ng palasyo na ito? At sa dami ng alalay na naka bantay saakin?

Pagka pasok namin sa loob ay di ko maiwasang mamangha. Ayan na naman tayo sa pagco-compliment.Oo na Sophie, sila na ang rich, na di mo mareach!

"Wow ka-gandang lahi naman!"Hinawakan ko yung malaking frame na nakasabit sa dingding. Napa sarado tuloy ako ng bibig baka mamaya may tumulong laway. Family portrait ata nila to' well kung ganun, 'edi sila nang may magandang lahi!"

"Wag mong hawakan yan, mahal yan!"

Napairap tuloy ako kay kuyang naka men in black..

"Alam kong mahal ito kuyang naka-men in black! Hindi mo na kailangang ipamukha saakin"

Sumunod lang ako sakanila hanggang sa nakarating kami sa office na sinasabi ni Tito Adrian. Ngayon ko lang napansin na naka unifom parin pala ako, amoy na amoy ko na tuloy ang pinagsalo-salong baho ng katawan ko.

Toktoktoktok

"Come in!"

"Ah eh. Hi po!" Pagbungad kong greet kay Tito Adrian na kasalukuyan ngayong nakaupo sa swivel chair nya.

"You may leave us!" Sa halip ay hindi nya pinansin ang greetings ko, pero pinaalis naman nya yung mga tauhan nya.

After that--Umupo na lamang ako sa upuan katapat ng table ni Tito Adrian. Habang may binabasa pang newspaper si Tito Adrian eh napagdecide ko na ilibot ko muna yung mata ko sa kabuuang office. Grabe--Puro portrait pala dito, hindi kataka takang mahal na mahal niya talaga ang dalawang magkapatid.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Kilala ko ang mga anak ko Sophie, and the only I can say is they really really love you and the way I see it, they are willing to take all of the risk just to be with you. Hindi naman ako against sayo Sophie at gusto kong aware ka sa bagay na iyon. Sa totoo lang, botong boto pa nga ako sayo dahil alam kong isa kang mabuting tao"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon