Chapter 1

21K 428 10
                                    

Theara on the top


"Warning!!!!! Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."

(after 5 years)

Her POV

Ako nga pala si Theara Simon at may nag-iisa akong anak na lalaki na si Prince Alexies. Mag-lilimang taong gulang na po siya this year. Ang bibo-bibo nga ng anak ko. Nakakawala ng kahit gaano kalaking stress, kaya mahal na mahal ko siya.

"Mama di po kayo papasok sa trabaho?" tanong ni Baby Al sa akin.

Kasalukuyan kameng nakaupo sa isang duyan sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa aming bakuran.

"Day off ni Mama ngayon anak, that's why its our bonding day!." Masaya kong sabi sa kanya.

"Yepie! So pupunta tayo sa park mamaya Mama? Tapos bibili tayo ng ice cream, cotton candy, cup cakes, at bibili din tayo ng mga notebooks ko Mama para sa pasukan. Diba sabi mo papasok na ako ngayong pasukan?" excited na tanong niya sa akin.

"Di ka naman pala halatang excited anak noh?" biro ko sa kanya.

"Eh sa gusto ko lang naman po Mama eh." Nahihiyang sagot niya.

"Nagbibiro lang si Mama anak, at syempre magkatotoo lahat ng yun. Tara ligo na tayo para makapunta na tayo sa park."- me

"Sure Mama. Ay Mama coz I'm a big boy na, I'll take a bath by myself na."- Baby Al.

"Okay Mr. Simon." Payag ko sa kanya.

Agad din siyang tumakbo papasok ng bahay. Naiwan akong tulalang-tinanaw ko ang daan na tinatahak ng aking mahal na anak.

Kay sakit namang isipin na malapit na ang araw na iiwan ko na siya. Kailangan kase eh. Kailangan kong lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho na malaki ang sahod para malaki-laki ang ipon at pangpaopera kay Baby Al. Oo, may sakit si Alex at kailangan niyang maoperahan bago siya mag-aanim. Masakit para sa akin sa tuwing makikita ko siyang nahihirapang huminga dahil sa sakit niya. May butas kase ang puso niya at bago ko pa nalalaman yun kaya di ako nakapag-ipon nang malaki. Noong isang buwan ko pa kase nalalaman noong inataki siya sa isang araw. Di ko pa nga alam kong ano ang nangyari sa kanya noong araw na yun at nabalitaan ko lang nang tumawag ang kaibigan kong nagbabantay sa kanya. Nasa trabaho kase ako nung time na yun.

"Mama! Di kapa maliligo? Ligo na Ma dahil excited na ako." Napukaw ako sa Sigaw niya mula sa bintana ng kwarto namin.

"Ahy tapos ka na pala. Oh sige maliligo na si Mama. Magbihis at magpagwapo ka na dyan." Sagot ko sa kanya sabay tayo at pumasok ng bahay.

Pagkalipas ng alang minuto, pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis para hindi mainip sa akin ang aking Principe. Mainipin pa naman yun.

"Tapos kana ba Mama? Huwag ka nang magpaganda dahil maganda po kayo lage." Tawag niya sa akin mula sa sala.

Yun lang ang sinasabi niya dahil sa totoo naiinip na yun. Yan ang sinasabi ko sa inyo. Ang kulit-kulit niya talaga.

"Charaaaang! Maganda ba si Mama sa outfit niya?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko na po sayo kanina na lagi ho kayong maganda Mama, kahit anong soot niyo pa."- Baby Al.

"Ay ang loyal talaga ng anak ko. Siguro sinabi mo lang yan dahil ayaw mong magpalit si Mama ng ibang damit dahil atat na atat ka nang umalis." Pagbibiro ko ulit.

"Hehehe half truth and half not." Nakangising sagot niya sa akin. Oh diba ang astig nang anak ko, manang-mana sa akin.

"Mama si Tita Ninang po? Sasama po ba siya sa atin ngayon?" tanung niya sa akin.

That Billionaire is my Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon