Atty. Paulo Williams at the picture...
"Warning!!!!! Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."
****Alex's POV****
Augost 8 na ngayon at nandito kame sa OxFoRD Resort...
Dito gaganapin ang birthday celebration ni Baby Al. at syempre imbitado kayo..
Pero di pa nagsisimula ang party dahil mamaya pang 6:00pm magstart. Nandito ako ngayon sa veneu dahil chinecheck ko kung ano ang kulang. But thanksto our event organizer because it's so perfect.
****Jason Oxford's POV****
"Dad yung dress ko nahatid naba?" tanong ni Cleofe sa akin.
"Nasa room mo na anak." Sagot ko sa kanya.
Kahit adopted lang yang si Cleofe ay hindi namin pinaparamdam sa kanya na di siya kapamilya namin. Mabait na bata naman yang si Cleofe eh.
Nakita kase namin siya four years ago na nagtitinda ng mga street foods. At nakita din siya ni Alexon.
Naalaa kase ni Alexon si Theara sa kanya kaya inutos niya sa amin na aampunin nalang daw namin si Cleofe. Pumayag naman si Alex yung asawa ko kaya tinuloy namin ang pag-ampon kay Cleofe.
Nang naging Oxford na siya ay agad siyang pinadala ni Alexon sa Canada at doon na mag-aaral para malayo siya sa mga taong mapanghusga. Ayaw kase ni Alexon na baka kung ano-ano pa ang sasabihin ng mga tao tungkol kay Cleofe at masasaktan pa ang damdamin nito.
Akala namin noon na may pagtingin siya kay Cleofe kase ingat na ingat siya para sa dalaga. Pero yun pala ay tinuring na pala niya ng tunay na kapatid si Cleofe kaya yun ang inakto niya para dito.
Labing-apat na taong gulang si Cleofe nang ampunin namin siya at si Alexon naman ay 27 at that time. And now Cleofe is already 18 years old and Alexon is already 31 years old.
Noong bago pa si Cleofe dito ay ilang na ilang siya sa amin kaya lagi siyang nagmukmok sa kwarto niya.
At ito namang si Alex lage siya pinupuntahan sa kwarto at laging kinausap at sinasama sa mga shopping. Tinuruan niya si Cleofe kung paano magsuot ng mga kagaya namin. Noong panahon na yun ay madalas na umuuwi si Alexon dito sa bahay at lage niyang hinahanap si Cleofe. Tapos kapag nagmukmok ito lage sa kwarto ay lage din niyang pinapagalitan.
Siya yung nagdidiciplina kay Cleofe kaya sa kanya takot na takot si Cleofe. Pero yung ginagawa niya ay para lang na masanay si Cleofe na mamuhay gaya namin.
Nang pinadala na siya sa Canada ay lage siyang tinatawagan namin at binibisita namin ni Alex doon. tinuruan di siya ni Alexa kung paano makikipagkaibigan doon at syempre isa siyang Oxford kaya maraming gustong makipagkaibigan sa kanya.
Matalino din siya dahil di siya nagpapaloko sa nagpapanggap na kaibigan niya. Di kase siya gaya ng iba na pakitang-gilas, kaya wala siyang gaanong kaibigan doon. yung kaibigan niya ay ang kuya lang niya at kame ng asawa ko.
Di siya malihim sa amin. Lahat na problema niya o ano ang gusto niya ay sinasabi niya sa amin. Di gaya ni Alexon na bigla nalang naming malaman na may apo na pala kame at ang malala pa six years old na pala yung apo namin. Iba talaga yung anak kong yan eh.
"Honey! Anong ginagawa mo diyan at di ka nakikinig sa akin?!" patay tinawag na pala ako ng asawa kong amazona.
Hehehe atin-atin lang yun huh.
"Sorry naman babe." Pagpapasweet ko sa kanya.
"Magbihis kana dahil pupunta na tayo sa veneu! Ikaw talaga! Kaya ayaw ni Cleofe na kasama ka dahil napakapagong mong kumilos!" pinagalitan na naman ako ng mahal ko asawa.
BINABASA MO ANG
That Billionaire is my Son's Father
Romanceguy -a hot, yummylicious, famous and young businessman who fall inlove to a prostitute/his student six years ago. girl -she was a very hard working mother of Prince Alexies. - she suffered lots of pain but she stood up and fight! basah...