Chapter 12

11.1K 255 3
                                    

from Left to Right...(B2YBAND)

Arnel Lawrel, Breeyah Damian, Kryzel Jordan and Joseph Tan.


"Warning!!!!!. Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."

****GREY'S POV****

Grabe tong si Ms. Simon di akalaing may pagkaamazona pala siya. Infearness di ko din inakala na isa palang dyosa itong si Ms. Simon and I wonder kung bakit di siya pinakasalan ng ama ni Baby Al.

And Baby Al is very familiar to me. May kahawig siyang sikat na tao. Pero di ako sure kung sino. Nauna akong gumising sa kanila dahil di naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Isa na doon ang sinagot ni Thea kagabi. At marami pang iba.

Kaya bumangon nalang ako at pumunta sa kusina para ihanda ng pagkain ang mga babaeng tulog pa hanggang ngayon dahil kung sina Thea alam kung nakakapagod ang trabaho nila at lalong-lalo na talaga kay Thea dahil sa pagkakaalam ko isa siyang inventor sa kompanyang kanyang pinapasukan.

At si Emma naman siguro napagod sa byahe tapos wala kase siyang pahinga pagdating dito kahapon dahil naghanda pa siya ng mga pagkain para sa surprice nila ni Thea. Ngayon ko lang talaga nakilala si Thea sa personal. Kung gaano siya kaganda sa larawan mas lamang pa sa personal kay di ako makapaniwala na isa siyang dalagang-ina na ulila na sa magulang at nagkayod para sa kanyang anak. Para kase siyang anak mayaman dahil sa matitingkad niyang kutis. Siguro kung una ko siyang nakilala siguro sa kanya ako mahulog. Pero joke lang. matagal ko nang gusto yang si Emma.

Sadyang mailap yan dati eh. Pero friendly talaga siya. Crush ko na kase siya simula koloheyo pero nahihiya akong lumapit sa kanya dahil maganda kase siya at isa lang akong nerd dati. Di naman siya bully kaya mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Pero ng nagfourth year na kame ay may kalive-in na siya at that time kaya kinalimutan ko nalang siya. Masakit kaya yun para sa akin. Pero umaasa pa rin ako.

Two years din ang lumipas at nabalitaan kong naghiwalay sila ng kalive in niya. Ito ang nang-iwan sa kanya dahil di siya mabubuntis. Kaya kahit alam kong di siya mabubuntis ay nagkaroon ako ng pag-asa at binago ko ang aking hitsura. At ito na ako ngayon, ibang-iba na sa dating ako.

But five years din ang tumagal bago pinagtagpo ang aming landas kaya di ko na sasayangin ang pagkakataong ito. I'll find a way para maging masaya siya kung ako man ang maging asawa niya. Tatanggapin ko siya ng buong-buo ano man ang mangyari. Kaya tutlungan ko siyang maging masaya. Pero ang problema ay si Thea.

Parang siya ang maging hadlang ng aking pag-asa. Di ko naman siya masisisi, alam ko kase ang ugali niya. Di siya sumasakay sa panahon. Pero panira siya ng diskarte eh. Anak niya kase ang batang parang anak na din ni Emma kaya wala kay Emma ang disisyon para kay Alex kundi kay Thea. Hahay paano nato? Aist kalimutan na nga natin yan. busy ako sa paghahanda ng pumasok si Thea sa kusina.

"Good morning Doc." bati niya sa akin.

"Good morning too Ms. Simon." Balik kung bata sa kanya.

Wew ano ba'to, nakakasala yung beauty niya eh kahit bagong gising. Tapos ang suot niya ay sando lang tapos short. Ms. Simon you're such a temptation. Di nalang ako tumingin sa kanya. Syempre ganyan kameng mga lalaki eh. Depende nalang kung magpapadala kame sa temptation.

"Anong hinanda mo? Sounds yummy ah. Ang bango kase eh. Pwede ba akong tumulong?" sabi niya habang tumitingin-tingin sa aking niluto.

"Wow ang dame naman nito Doc. siguradong kakalimutan naming lima ang diet namin nito." Humahangang saad niya.

"Nagdiet kayo?" tanong ko, eh kase yung dalawa niyang kasama na si Ethyl bayun at si Jesyl eh parang di nagdidiet.

"Yeap. Sa trabaho kase proper diet talaga. Every meal ay nakameasure na ang mga kakainin mo at bawal ng magdagdag pa. Tapos every morning bago ang aming duty ay may 1 hour kame para mag-exercise. May fitness room na kase sa loob ng buliding eh at libre na yun lahat at may mga vitamins din kame." Paliwanag niya.

That Billionaire is my Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon