Chapter 8

10.9K 276 1
                                    

Ethyl Grasha on the top....

"Warning!!!!!. Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."

**********THEARA'S POV**********

Abala ako sa kakasulat sa aking journal ng pumasok si Miss Marquez dito sa experiment room.

"Kumusta Miss Simon?" ay kailang naman yang Miss miss na yan eh.

"Heto nag-iisip parin kung ano ang aking gagawin nitong Orchids." Sagot ko.

"Goodluck talaga diyan eh. kase wala pa sa aming dalawa ni Miss Andrada ang nakagawa niyan dati eh. yan kase ang first project sa mga bagong ex-agent dito sa ating department. At siya nga pala kapag papasok dito si Miss Andrada huwag kang magpapaapekto sa babaeng yun. Bruha kase yun eh. mahilig manglait ng gawa ng iba. Porket nauna na siya dito. Pero hayaan mo na ang Bruhang yun." Sabi niya sa akin.

"Ah Miss Marquez pwede bang Kesha nalang tawag ko sayo kapag tayo lang at Thea nalang din ang itawag mo sa akin. Nakakailang kase eh, masyadong pormal." Pakiusap ko.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Diyan tayo magkakasundo Thea. Hehehe kase naiilang din kase ako kapag tinatawag na Miss eh." wow pariha pala kame nitong si Kesha.

"Ah sige labas na ako huh dahil nakabala lang ako sayo dito." Sabi niya sabay labas.

Nasa kaligitnaan ng pagsusuri nang pumasok ang isang babae. Maybe this is Miss Andrada. Kase base on her physical apperance ay bruha na bruha na nga. Hehehe patawarin niyo ko.

"You must be Miss Simon. Anyway I'm Aika Andrada." Mataray niyang pakilala sabay tingin mula head-to-toe sa akin at lumabas na.

Eh ang taray niya di naman kagandahan. Siguro nahiya siya sa beauty ko kaya lumabas siya agad.

Hahahaha kawawa niya naman, siya na ang loser. Ipiniling ko ang aking ulo para mawala ang kabaliwang iniisip ko at pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

*****EMMA'S POV*******

Gabi na at di pa tumawag si Thea kaya di mapakali si Baby Al dahil di pa tumAwag ang mama niya. Siguro maraming ginagawa si Thea kaya nakalimutan niyang tawagan ang anak niya.

"Tita ninang kantahan mo'ko." Request ni Baby Al.

Eh di kase yan natutulog kapag di siya kinantahan ng Mama niya. Eh ang problema naman kase eh ang pangit ng boses koh at baka masira pa eardrums nitong inaanak ko.

"Eh Baby Al alam mo namang di ako marunong kumanta eh. sige matulog ka na nga diyan at magpapasound nalang ako nitong cellphone ko." Tumango nalang siya at pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog din siya sa wakas.

Kinaumagahan ay maaga siyang gumising at gusto niyang tawagan agad ang mama niya.

"Tita-ninang tawagan na po natin si Mama." excited niyang bungad sa akin.

"Anak baka tulog pa si Mama. alam mo namang di siya nakatawag kagabi so ibig sabihin ay puyat si Mama mo kaya I'm sure tulog pa siya ngayon." Paliwanag ko sa kanya.

Di na siya umimik at naligo nalang siya.

"Baby boy halika na dito! Kain na tayo!" Tawag ko sa kanya mula sa kusina.

Dale-dali naman siyang bumaba ng hagdan.

Pagkatapos naming kumain ay agad siyang nagsipilyo at excited nang lumabas ng bahay. Siya na ang pumara ng tricylce para aming masakyan.

"Parang may ememeet ka ah. Excited kana bang makita si Thena?" biro ko sa kanya ng sumakay na kame ng motor.

"Tita-ninang bata pa po ako. Tsaka excited lang ako kase mahiram ko na cellphone mo dahil gusto ko ng maglaro diyan sa cellphone mo." Sagot niya sa akin.

That Billionaire is my Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon