Chapter 20

11.6K 241 0
                                    

Alexa Oxford on the top....(Alexon's Mom)


"Warning!!!!! Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."

***THEARA'S POV***

Tatlong linggo na ang lumipas simula ng nalalaman kong buntis si Kesha at tatlong linggo na rin akong naghihintay sa prove notice ng mga nagsuri sa aking final product. Tatlong lingg na rin akong umiiwas sa mga tao at lage lang akong hospital at OxBeauty compound ang aking tinatambayan dahil nga sa umiiwas ako sa mga tao.

Pataas na pataas na kase yung ratings ko kaya di na ako pinapayagang lumalabas basta-basta. Wala namang nakakaalam dito sa hospital dahil simula noong tinanggap ko ang alok ni Miss Mishy ay pinilit niya akong ilipat sa isang private hospital si Baby Alex para di na matunton ng mga taga media. Kaya matiwasay na sana ang paglalagi ko dito sa hospital. Kaya lang tatlong linggo na ring sumusunod sa akin si Alexon kaya di naging matiwasay yung paglalagi ko dito sa hospital kaya sa OxBeauty ako nagtatago minsan pero minsan hinahanap niya ako doon tapos ang rason niya kapag hinahanap niya ako ay may pag-uusapan daw kame tungkol sa modeling ko.

Tsss kaya minsan lang niya ako mahuhuli doon dahil alangan namang sasabihin niya lage yung alibi niya sa tuwing hahanapin niya ako. So mabuko pa siya kaya ayun di niya ako laging nahuhuli doon. At alam niyo bang noon lang pala siya nakikita ng ibang workers doon kaya yung mga babae naman doon ay kay sarap kunan ng mata dahil lumalaki pang lalo mga mata nila kapag nandoon si Alexon. Walang hiyang lalaki talaga tong Alexon na to. Sarap itapon sa pond na may maraming buwaya. (Weeeh kaya mo bang mamatay siya?) arrrrrg kainis! Ayan na naman yang baliw ko na utak.

Balik tayo dito sa kasalukuyan. Nandito ako sa hospital ngayon.

"Mommy miss ko na po si Thena. Kailan po tayo uuwi sa Bohol? Miss ko na kaseng kalaro si Thena eh." sambit ni Baby Al habang kumakain ng ubas.

"Malapit na anak. Kapag makalabas kana dito ay uuwi na tayo sa Bohol." Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Yepie... sa wakas makakauwi na rin ako at makakalaro ko na ulit si Thena. So mommy asan nga pala sina Mama?"

"Lumalabas lang sila anak. May binibili sa labas."

"Mommy gusto ko pa." sabay turo kung saan nakalagay ang hinugugasang ubas.

"Oh heto kain pa. masarap ba anak?"

"Yeap. Masarap po si Mommy. Ahmm mommy kailan babalik sina tita Kesha dito? Miss ko na rin kase yung kaingayan nila eh." pakamot-kamot na sabi niya.

"SUPRICE!!!" speaking of the idiots.

Nandito nga sila. May kanya-kanyang dalang prutas sila tapos yung kay Kesha ay dalawang supot ng makupa. Yung parang apple pero di siya apple. At may bitbit din siyang asin sa kanyang kamay habang kumakain ng makupa.

Hahahaha baliw na babae, I'm sure walang para kay Alex sa kanyang binitbit. Lahat ay para sa kanya.

"We miss you Baby Al...."- Jesyl.

"Di mo ba kame na miss Bavy Al?"- si Ethyl.

"......" Baby Al.

Oo naging pipi na naman ang anak ko. Maingay lang yan kapag kame lang ang nandito. Pero kapag marami ng tao ang nandito ay naging pipi siya.

"Na miss niya po kayo. Tinatanong nga niya sa akin kanina kung kailan daw kayo bibisita sa kanya dito." Ako na ang sumagot dahil I'm sure di yan sasagot sa kanila.

Ayun nga eh nakatungo lang palagi at alam kong hiyang-hiya na siya dahil sinabi ko sa kanila na namiss niya sila.

"Wow... totoo ba yun Baby Al?"- Rhona.

That Billionaire is my Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon