Chapter 17

10.8K 215 2
                                    

Dhevoune Cambert on the top..

"Warning!!!!!. Sorry for the typos and grammatically error. Thank you."

*this chapter is rated SPG*

****THEA'S POV****

Nagising ako dahil sa ingay mula sa aking autophone. Kinapa ko ito sa bed side table kong saan ito nakapatong. Pinatay ko muna ito bago ako bumangon. Nagmugmog lang ako at nagbihis na ng pang-exercise. Dala ko na ang aking Autophone saka ang aking cellphone tapos face towel at tubig na tinungo ang Fitness room.

Sinaksak ko na rin ang headphone sa aking cellphone tapos nagpatugtog nalang ako habang nag-exercise. May biglang tumawag sa akin at sinagot ko ito with out looking kung sino ang tumawag.

"Hello?" sagot ko agad.

"Hello Ms. Simon, free ka ba mamayang 11am? Punta ka dito sa MM restaurant para sa contract signing." ah okay si Ms. Mishy pala ang tumawag.

"Okay Ms. Mishy."

"Sige yun lang. see you there." Sabi niya at hanggang natupol na ang tawag.

Pinagpatuloy ko ang pagpatugtog sa aking phone.

****Kesha's POV****

Nadatnan ko si Thea sa Fitness room at parang di niya ako namalayang pumasok dahil nakaearphone siya. Di ko nalang siya dinisturbo at pumupwesto ako sa kabilang sulok ng Fitness room.

Lumipas ang ilang minuto ay may pumasok at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang pumasok. Si Arthur lang naman ang pumasok at gaya ko ay di din siya napansin ni Thea kay di rin niya ito dinisturbo. Di din niya namalayan na nasa loob ako ng fitness room at pumewesto siya sa isa pang sulok ng fitness room. Matutuwa na sana ako dahil di niya dinisturbo si Thea pero baliktad ang nararamdaman ko dahil di nga niya pinansin si Thea pero umupo lang siya sa sulok at pinagmasdan si Thea. yung tingin na gustong-gusto niya itong lapitan. Yung tingin na puno ng pagmamahal. Sana naman balang araw sa akin na niya ibaling ang tinging iyan. At sana ako naman ang mahalin niya. Pero hanggang mangarap lang ako eh, mangarap na sana mamahalin ako ng lalaking mahal ko.

Minsan lang ako umibig pero bakit laging sawi? Noong una pinakasal sa iba ang lalaking mahal ko tapos ito namang ngayon ay may ibang minamahal ang taong minahal ko. Sinumpa ba ako ng pamilya ng mapapangasawa ko sana? O sina mommy ang nagsump sa akin. Napaluha ako sa aking sitwasyon. Tumigil ako sa aking ginagawa at dahan-dahang umupo na rin. Para kaming baliw dito kung may makakita sa amin dahil ako nakatingin sa isang lalaking nakaupo sa kabilang sulok at ang lalaki naman ay nakatingin din sa babaeng kasalukuyang nag-ehersisyo at walang kamalay-malay na may nakamasid sa kanya. Malalim na hininga ang pinapakawalan ni Arthur at ako ay isang tahimik na buntong-hinga. Kaysakit naman kapag gnito palagi eh.

Naghahabol ako sa isang taong ginawa lang akong parausan. Alam niyo yung feelings na tinanggap mo yung kabaliwang alok niya par lang makasama siya at nagbabakasakaling matutunan ka rin niyang mahalin? Yan yung ginawa ko. Yan ang nararamdaman ko. Konti na lang at susuko na ako. Konting tiis nalang ay mapipilitan akong kalimutan siya. At sana magawa ko ito sa mas lalong madaling panahon. Sana naman ay mamahalin niya ako o sana naman ay mapapansin niyng may taong nagmamahal sa kanya bago ito tuluyang susuko sa kanya. sana naman bigyan niya ng halaga ang mga ginagawa ko na kahit isang text niya ay sinusunod ko agad.

Ganun parin ang posisyon namin hanggang matapos na si Thea sa kanyang ginagawa at kasalukuyan siyang napupunas ng pawis at uminom ng tubig. Tiningnan ko si Arthur at lalo akong nasaktan ng napalunok siyang nakatingin kay Thea. tssss pervert! Sarap niyang iuntog ang ulo niya sa pader. Bwesit!

Lumabas na si Thea sa Fitness room at mga ilang minuto ay lumabas na rin si Arthur at sinundan ko rin ito. Paglabas ko sa fitness room ay bumungad sa akin sina Rhona, Ethyl at Jesyl.

That Billionaire is my Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon