Tumakbo, tumalon sa mga bato, sumambitin sa mga sanga, magmuka man akong ninja ang mahalaga.. tao parin ako at hindi ako unggoy. Well, ito lang ang happy pill ko, ang pag-a-adventure dahil curious ako sa maraming bagay.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo sa gubat nang may naaninag akong isang lumiwanag sa isang sulok. I wonder what is it?
Pupuntahan ko na sana nang napalingon ako sa relo ko.
It's already 6 pm. Wala na akong oras.
Tumakbo nalang ako ulit ng tumakbo pababa ng bundok. Pawis na pawis at hingal na hingal akong nakarating sa bahay nila lola "Galing ka nanaman ba sa bundok ng Maefair, Michi?" Tanong ni Lola.
"Hehe, sorry po la gusto ko lang po sulitun yung oras ko dito sa bundok. By the way la, magpeprepare lang po ako ng dinner natin"
"H'wag mo ng isipin ang tungkol duon, apo. Naayos ko na ang dinner natin. Kapag nandito ka pakiramdam ko matanda na ako. Hala, sige na pumasok ka na at para makakain na tayo"
"Opo, La"
Hinubad ko na ang sapatos ko na sobrang dumi dahil sa putik sa bundok.
Ako nga pala si Michelle Danver, Michi for short. Well, my friends and relatives used to call me like that. High School student ako sa Woodward High, well ngayon ay sembreak namin but tomorrow will be the last day. Every sembreak dinadalaw ko dito si Lola, kaming dalawa na nga lang ang natitirang magkasama sa iisang bansa hindi pa kami magsasama diba? Nagtatrabaho kasi sila Mama at Papa sa overseas so what can I do? Alang nga namang pigilan ko sila, edi namatay naman kami sa gutom ni lola. Pero may kapatid ako, sa sobrang gala nga lang ay halos hindi na umuuwi sa bahay. And the Mountain that lola's talking about, the Maefair Mountain. Madalas akong pumupunta roon sa di ko malamang dahilan, well maybe because of the peace na nararamdaman ko lang duon. Pero ang sabi nila, that was the place where the last war happened kaya y'know takot din akong umabot ng gabi doon. Dahilan rin para walang taong pumunta ruon.
Pinaghapagan ko ng kanin si lola "Salamat Michi. Ah, ou nga pala, bukas na ang biyahe mo pauwi diba?"
"Yes lola. La, ayaw niyo po ba talagang sumama sa'kin pabalik? Para naman po may kasama kayo sa araw-araw" at sumubo ako ng ulam.
"Alam mo namang hindi ko kayang iwan ang bahay na nagbibigay ng ala-ala sa'kin ng lolo mo"
"True love nga naman oh, haha"
"Maiintindihan mo rin ako balang araw. Bakit, wala pa bang nobyo ang apo ko?" Nangingiting tanong ni Lola.
"Kayo po first priority ko. Gusto ko munang makapagtapos para makakatulong ako sa inyo" yup, mabait akong bata. Pero maldita ako kaaway, mababaw ang luha ko kaya madali kong maexpress ang feelings ko.
"Ang apo ko talaga, love na love ako. Haha. Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki, Michi?"
"Hmn, if papapiliin ako. I like the type of person na madali naming maintindihan ang isat-isa. Ayaw ko ng mapilit sa gusto niya. Well, kung basagurelo siya it's like he can stand on me, diba?" biro ko naman.
"Hahaha apo, diyan ka nagkakamali. Hindi mo na pipiliin kung anong klase siyang tao kapag tumibok na ang puso mo. Hindi mo malalaman ang dahilan kung bakit ganuong tao ang minahal mo"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...