Michi's POV
"Yuan, salamat. Thanks for coming" hindi ko alam pero nabigla din ako sa sinabi ko pero hindi ako nagpahalata. Narinig niya kaya?
Pero sana hindi, sana hindi!
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at bumaba sa bike bago pa siya pumadyak "O-oh, b-bakit ka bumaba?"
"Ako magbabike"
"Nasisiraan ka ba? Kita mong nakaskirt ka tapos ikaw magpapaandar?"
"Geez, iibahin nga natin ruta nateeeeeen"
"Eh? Bakit naman?"
"Bakit ayaw mo bang mag-explore? Ilalabas kita saglit dito, hindi pa ito ang pinakabayan ano kaba" papapameywang kong sabi.
"Sumakay ka, ituro mo sa'kin 'yung daan"
"Pero-"
"H'wag ng makulit!"
"Geez!" Umangkas ako ulit pero hindi na 'ko nakayakap sa kanya "Iliko mo sa kanan at h'wag kang didiretso" sabi ko.
"Bakit sa kanan?" Sabi niya pero sumunod naman siya. "Sige wag kang liliko, ewan ko lang kung hindi tayo bumangga. Ang dami mong tanong, mamaya malalaman mo rin"
Hindi na siya kumibo at sumunod nalang sa mga sinasabi ko. Marami akong paliko likong sinabi hanggang sa huling pagliko "Liko ka sa kaliwa"
Sa pagliko niya ay napatigil siya bigla. Tinignan ko siya, gulat na gulat siya sa nakita niya.
Dinala ko lang naman siya sa syudad, may mga naglalakihang mga building at maraming tao, marami ring sasakyan na dumadaan.
Tinuro ko 'yung lugar ng paradahan kaya pumunta kami kaagad doon at nagparada ng bike. Sosyal namin no? Hanggang bike lang kami.
"Tara?" at binatak ko siya papunta sa pinakamataas at pinakamalaking building.
"Ito ang Centre Plaza Mall, since magkasama narin tayo naisipan kong ilibot ka" nagtataka lang siya.
Pumunta kami sa mga stall at namili ng mga damit na babagay sa kanya. "Sigurado ka ba dito?" Tanong niya habang nasa counter kami.
"Bakit? Ayaw mo ba? Not everytime kailangan kong ipahiram ang damit ng kuya ko. Kung ako lang ayaw kong mapunta sa katulad mo ang mga perang inipon ko almost 5 years" at inabot ko ang pera ko sa sales lady.
"Nabayaran mo na. Babawiin ko pa ba, diba?"
"Papayag din naman pala"
Kinuha ko ang sukli ko at inabot ko naman ang mga pinamili namin "Saan tayo next?" Tanong niya.
"Uuwi na. Baket nag-eexpect ka ba na magtatagal tayo?" Sabi ko habang naglalagay ng pera sa wallet "Joke lang, ito di mabiro. Tara sa girls wear tayo, baka doon may makita tayong bagay sa'yo"
Maglalakad na sana siya pero napatigil siya at tinignan ako ng 'what' face "Joke lang, tara na nga" at binatak ko nalang ulit siya.
Nasa mood ako ngayon kaya susulitin ko na.
Papalapit palang kami sa girls wear ay kumukunot na ang noo nitong si Yuan. At ngayon mo makikita ang old face niya dahil sa kulubot niyang noo. "What's with that face, Yuan?" Tanong ko at kumuha ako ng bra. Kumuha lang, as if naman na kailangan ko niyan. hoy! Lady bra kasi, wag kayooooo.
"Pwede ba akong maghintay sa labas?"
"Bakiiiiit? Ayaw mo bang makakita nito????" at itinaas ko ang hawak kong nakahanger na bra.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...