Chapter 24: Connected Hearts

180 8 0
                                    

Dahil sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na siya nagawang pigilan sa pag-akyat papunta sa kwarto niya.

A-ano bang dapat kong gawin?

***

Kinabukasan maagang pumasok si Michi. Nag-ayos na rin ako para sa pagpasok. Naglakad ako ng mag-isa kahit na mas gusto ko na kasama si Michi. Pero ano bang magagawa ko? Wala si Michi eh.

Dumiretso ako sa room ko pero kakatanaw ko palang si Ingrid na kaagad ang bumungad sa'kin. Napanhinto man ako sa paglalakad pero sinubukan kong magpatuloy. "Napadpad ka, Ingrid?"

Sinalubungan niya ako ng isang pilit na ngiti "Pwede ba tayong mag-usap? Alam ko na alam mo kung tungkol saan ang pag-uusapan natin"

Tumango lang ako at sabay kami na pumunta sa cafeteria. Umorder kami ng juice na mukang hindi namin maiinom "Grade 6 si Mattew ng mamatay ang Dad niya. That time wala ng makapitan ang Mom niya kung hindi ang Lolo ni Mattew which is nasa America. Sa kagustuhan nilang mabigyan ng magandang kinabukasan si Mattew ay dinala siya roon para mag-aral and duon kami ulit nagkita"

"Bago ka magpatuloy, I just want to ask. Why are you telling me all of this?"

"Cause I want you to know what kind of past Mattew has" seryosong sabi niya matapos niyang inumin ang akala kong hindi na magagalaw na juice na nasa harapan namin "I've seen with my own eyes kung paano umiyak si Mattew gabi gabi para kay Michelle. Nung una I thought it was only a puppy love so I let him be dahil nga bata pa sila pero nagkamali ako. He want to go back here in instant just to be with her ... pero ano bang kaya niya? Isa lamang siyang paslit that time. Hindi ko siya masuportahan 'cuz that time katulad niya, wala pa akong gaanong alam"

Nasasaktan na ako ... hindi ko alam na ganto pala kamahal ni Mattew si Michelle. At si Michelle, katulad rin ba?

Bigla akong nagkaroon ng vision ni Michi na umiiyak nung nasa rooftop kami sa harap ng sunset at duon ko naalala ang binitiwan niyang salita "Kung mahal nga talaga niya si Michi, bakit hindi niya ito hinahap ng makabalik na siya sa Pilipinas?"

"Nahanap ko siya. Pinigilan ako ng sariling feelings ko. Inisip ko kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya matapos kong sirain ang pangako ko" nilingon namin ni Ingrid si Mattew na kakarating lang.

"Pero kung mahal mo siya ... handa kang ipaliwanag sa kanya lahat ng nangyari. Dahil mahal mo, hindi mo susukuan kaagad" seryoso kong sagot pagkatayo ko na halos ikatumba na ng upuan.

Nabigla ako ng sugudin niya ako at kwelyuhan "Just what connection that you two have?! Ano ka ba sa kanya?!"

Kaagad lumapit si Ingrid "Mattew! Stop it! Sinasaktan mo na si Yuan!"

Habang ako walang magawa kung hindi piliting alisin 'yung kamay ni Mattew at pinagtitinginan na kami ng mga iba pang estudyante "Tinatanong mo kung ano?! Siya lang naman ang taong laging nariyan para sa'kin! Siya 'yung taong kahit na gaano ko man siya itaboy nandiyan parin at nagawa pa akong protektahan! Siya 'yung taong nagpakita sa'kin kung sino talaga ko! At higit sa lahat he is the type of person that couldn't be like you dahil hindi niya ako iniwan!" Nilingon namin si Michi.

Patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Ayaw kong nakikita siyang ganito. Gusto kong nakikita 'yung laging nakangiting Michi. 'Yung Michi na laging nagsusungit.

Napansin ko rin na halos tumulo na ang luhang kanina pa pinipigilan ni Mattew "Is he ... Is he the one you replace to my place? Is it Yuan?"

"He wasn't a replacement for me! He was the person who came to aid my pain when you leave me and the person who I fell in love with!!!" This time ako ang nagulat sa sinabi ni Michi.

Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak sa'kin ni Mattew kaya naman kumalas ako kaagad "Wa .. wala na bang natitirang pagmamahal sa'kin even just a bit?"

"Even as tiny as a sand ... there's nothing left" seryoso si Michi sa mga sinasabi niya. Nararamdaman ko, totoo lahat ng mga nilalabas niyang mga salita na nagpapakalma sa'kin at the same time, nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Nilingon ako ni Mattew "Ikaw Yuan. May nararamdaman ka rin ba para kay Michelle? Dahil kung wala, I'll do whatever it takes para lang maibalik ang dating samahan namin ni Michelle"

Nararamdaman ko ang kaba kay Michi. "Sorry, but I cant let you to do as you want. Is that enough answer for you to be satisfied?"

Nabigla siya sa sagot ko pero huminga siya ng malalim "Im warning you Yuan, this doesn't mean that I give up on her. Once na paiyakin mo siya especially sa oras na ikaw ang kasama niya ... mark my words, aabot mga kamao ko sa mukha mo" at naglakad na siya palabas ng canteen.

"Threatening me? H'wag kang mag-alala, dont expect that day would come" huling salitang narinig niya bago siya tuluyang nakalabas.

Ang kaninang kabado na si Ingrid ay ito na ngayon nakangiti "W-what do you mean by saying all of those things?" Nagtatakang tanong ni Michi.

Bigla naman akong napaiwas ng tingin "Dont you get it? Hindi ba obvious na mahal kita?" Mahina kong sabi kasi nga sobrang daming spectator sa paligid.

"Ano?" Pagtataka parin niya.

"Mahal nga kita!!!! Akala ko ba malabo lang ang mata mo pero hindi ka bi-" putol kong sabi nang yakapin niya akong bigla "Hm, nararamdaman ko. Mahal na mahal rin kita" kasabay ng pagtulo ng luha niyang sabi.

Ang luhang tumutulo ngayon sa mga mata niya ay hindi galing sa panghihinagpis kung hindi dahil sa sobrang tuwa.

Kumalas kami sa pagkakayakap nang maalala namin si Mattew "Y-Yuan, si Mattew--"

"It's just usual for a heartbroken. Let him be for a while this will make him feel better .... " sagot ni Ingrid.

"I hope .. " bulong ko habang tinitignan ang daan na dinaanan ni Mattew.

"Guys, anong dapat na gawin natin about this?" Sabi ni Ingrid at duon lang namin napansin na sobrang dami na talagang spectator sa paligid. "We'll leave" bulong ko naman kay Michi.

Hinawakan ko siya sa kamay at biglang binatak palabas ng cafeteria habang sinusundan lang kami ng tingin. Iniwan namin duon si Ingrid na nakacross arm at napakalaki ng ngiti.

Dinala ko siya sa rooftop. Since umaga palang ay wala pang araw na sobrang init at napakalakas ng malamig na hangin ngayon.

Tinignan ko siya pero bigla siyang umiwas ng tingin. Ngumiti ako "Michelle, sorry kung lately ko lang nalaman at naintindihan ang feelings ko para sa'yo. If it wasn't because of Mattew siguro hanggang ngayon ... nalilito pa ako"

"Matagal na akong nahulog sa'yo and I never admit it to myself dahil natakot ako na baka hindi mo ako sapuhin. Remember what I've told you before, nagsimula ito ng mangako sa'kin si Mattew at sumunod ang pangbabae ni papa ... until this day come. Ou, nasasaktan parin ako kapag nakikita ko si Mattew, but it doesn't mean na nasasaktan ako dahil minahal ko ang isang katulad niya ...  kung hindi dahil pinapaalala niya sa'kin ang mga naging dahilan para matakot ako na mahalin ka"

"P-pero totoo nga ba ang mga sinabi mo kanina?"

Humarap siya sa'kin "Alam ko na alam mo kung totoo ang mga sinasabi ko. The first time we met, on that day ... our heart was already connected" nakangiti niyang sabi na nakapagpangiti rin sa'kin.

"And there was no such a thing that can cut our ties, right? Mahal na mahal kita" Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. "Hinding hindi kita iiwan, pangako" niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hm" pagtango niya.

I'll never leave you ....I promise

To be continue ..

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon