Parehas kaming napatingin kay Lola ng sobrang may pagtataka "A-alam niyo po ang tungkol duon, ginang?" Tanong ni Yuan.
"Ang tungkol sa Prinsipeng lumaban sa milyon milyong rebelyon ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Lola.
Tumango si Yuan sabay tingin naman si Lola sa'kin "Michi, kaibigan mo?"
"Kanina ko lang po siya naging kaibigan. Siya si Yuan, napakamisteryo po niya Lola. Kung ano-ano pong pinagsasabi niya pagkagising niya. Kesyo, isa daw siyang Prinsipe, kesyo nasa giyera daw siya laban sa rebelyon, at wala na po siyang maalala bukod duon"
Teka, bakit ba ito 'yung pinoproblema ko? Hindi ba dapat problemahin ko 'yung pagbalik ko sa bayan??? Waaa! Wala na akong masasakyan, mamaya pang alas-nuwebe ng gabi ang biyahe eh kaso naman may pasok na bukas. Waaa! Di ata ako makakapasok bukas, thanks to someone! Napapaisip kong sabi sabay death glare kay Yuan.
"M-maniwala po kayo sa'kin. T-totoo po lahat ng sinabi ko!" Bigla siyang napayuko "H-hindi ko nga lang po alam kung ano ang nangyari sa'kin. K-kung bakit n-natapos ang giyera n-na buhay pa ko. H-hindi ko na po alam. Kaya nandito po ako para malaman 'yung totoo. M-maaari po bang tulungan niyo ako, pakiusap?"
"Hijo, sana maintindihan mo na mahirap magtiwala sa mga kabataan ngayon"
see what I mean? H'wag kasing ipagpilitan ang hindi pwede.
"Pero kung tungkol diyan ang nais mong malaman, nakakatiyak ako na matutulungan ka ng apo ko" napatingin ako kay lola ng sobrang gulat sabay turo sa sarili ko "A-ako po?"
"Sino pa bang apo ko ang naririto, Michi?" Nakangiting sabi ni Lola.
"A-alam niyo naman po lola na hindi ako sanay sa mga ganyang bagay. H-hindi ko po kaya 'yan. A-ayaw ko po. Ayaw ko pong magkaroon ng responsibilidad kaagad, bata pa po ako" hindi ko nga pipiliin na magpaligaw kaagad dahil ayaw ko ng responsibilidad eh! Tapos sasama talaga 'tong si Yuan sa'kin?! Ayaw ko nga! Ang napag-usapan lang namin isasama ko siya sa school ko pero hindi ang titira sa'min! Manyakin pa ko niyan.
"Michi, naniniwala akong mas marami siyang malalaman sa bayan. Hayaan mo siyang manirahan sa inyo, nababasa ko sa mga mata niya ang kabutihan"
"Pero lola, hindi po lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo. Mamaya kung ano pa po ang gawin niyan sa'kin. Ayaw ko po"
Lola, gusto niyo po bang mawalan ng magandang apo sa mundo?
"Alam ko naman na kayang kaya mo ang sarili mo, Michi. Isama mo na siya sa pagbalik niyo sa bayan" waaa! Ayaw ko talaga!
Tinignan ko si Yuan. Kasalanan niya 'to eh. Ayaw kong masira ang kinabukasan ko!
Tumingin kami lahat sa pinto nang may kumatok. "Inang, narinig ko po na hindi po nakaabot si Michi sa biyahe. Kung gusto niyo po isabay ko na siya pagbalik namin sa bayan?" Sabi ni Tita Salvi.
Tita, your a life saver! My saviour!
"A-ah eh kaso po tita, hindi pa po ako nakakapag ayos" syempre nakakahiya naman ... ni maghilamos di ko pa nga nagagawa eh.
"Okay lang yan. Maya-maya pa naman ang alis natin, Michi. Pumunta ka nalang sa amin para makaalis na tayo. Pano po Lola, alis na po ako. Ako na pong bahala sa apo niyo"
"Salamat Salvi" sabi naman ni Lola bago umalis si Tita. Naglakad na ako papunta kay Yuan "Apo" sabay turo ko sa sarili ko "So shupi!" sabay takbo papunta sa banyo at naghilamos.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasíaWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...