MICHI'S POV
Tahimik na kaming bumiyahe hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Tita Salvi. Kapitbahay lang naman namin si Tita Salvi kaya madali lang lumipat. "Yuan, kunin mo 'yung mga gamit sa likod. Tulungan muna natin si Tita na ipasok ang mga gamit" sabi ko.
Bumaba kami ng sasakyan at binitbit ang ilang gamit papasok sa bahay nila Tita. Matapos namin maipasok ang mga gamit ay nagpaalam na kami na uuwi na kami, nagpasalamat din sa pagsama sa'min pabalik "Okay lang 'yon. Kung may kailangan kayo, h'wag kayong mahihiyang magtanong sa'kin ha"
"Yes tita. Thanks po ulit, hoy Yuan magpasalamat ka"
"S-salamat po, Tita Salvi" ngiti lang sinagot sa'min ni Tita "Tita uwi na po kami. Salamat po ulit" at naglakad na kami papunta sa bahay.
"Ito ang bahay niyo? Kakaiba ang mga bahay ngayon" Tanong ni Yuan na nakatingin sa second floor "For now, bahay ko 'to"
"Mo?"
"Yeah, dahil ako lang ang nakatira dito sa ngayon"
"Pero may kasama ka na ngayon, ako diba?"nilingon ko siya.
"Kapal mo. Hoy, free loader ka lang po dito. Dont ever think na hahayaan kitang manirahan dito for a long time. Just until your memory back, got it?"
Naglakad siya papasok at nilapag ang mga bag ko "Ah, hahayaan mo akong manirahan ng matagal dito? ang bait mo pala" ha?
"I never said that! Ang sabi ko, hindi kita hahayaan na manirahan dito ng sobrang tagal, hanggang sa may maalala ka lang. Okaaaaaay?" Nakapameywang kong sabi.
"Magsasalita ka nalang kasi sa wikang Ingles pa. Kasalanan mo 'yan, bleh" at naglakad lakad siya sa loob ng bahay na parang nag-iinspection siya.
"Wow ha, kasalanan ko pa bandang huli? Oo, Michi, tama siya kasalanan mo naman talaga eh. Ikaw kasi pumunta punta ka pa sa Maefair ng alanganing oras ... yan tuloy napala mo. Tsk!" Bulong ko naman sa sarili ko.
Binaba ko na ang bag na kanina pa nasa likod ko. Gusto kong mabawasan ang mga pasanin ko 'no.
Napatingin ako sa oras. 4 na ng hapon. Tinignan ko naman si Yuan, busy siya sa pagtingin sa paligid. Habang busy siya ay umakyat na ako ng hagdan at pumunta sa room nila Mom and Dad and hoping na sana ay bukas ito pero as expected, it's locked. Kaya naman sinunod ko ang kwarto ng napakagala kong kuya and luckily, it was open but as expected .. what a mess!
May mga books na nagkalat sa bed and study table. Mahilig kasi siyang magbasa.
Isa-isa ko 'tong dinampot more than a 20 pieces ang mga nagkalat na libro dito. Isa-isa ko rin 'to nilagay sa bookshelf na more than a 100 pieces ang nakalagay na libro.
Kumuha ako ng bedsheet sa cabinet niya kahit mga pillow sheet at pinalitan ang nasa kama dahil sa sobrang alikabok. Mabilisan ko ring pinunasan ang mga bintana at kahit ang ilang gamit dahil sa sobrang kapal ng alikabok.
"Hoy, Michi, anong pinagkakaabalahan mo?" Biglang pagsasalita ni Yuan sa likod ko reason para magulat ako "Kabayong kalabaw! Ano ba 'yan! H'wag ka ngang manggulat!"
"Hindi kita ginulat. Kasalanan mo 'yan dahil nagulat ka"
"Okay fine. It's my fault, it's my fault. So anong ginawa mo dito? Did I ever said na umakyat ka?"
"Bakit wala ka namang sinabi na hindi ako pwedeng umakyat dito ah? Bigla ka na nga lang nawawala. Mas mabilis ka pang maglaho sa bula" wow, hanep. Nakakaintindi na siya ng English. Do I still need to teach him?
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasiaWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...