Michi's Pov
Summer passed at ito ako ngayon pababa ng hagdan. Nakakapanibago dahil ibang uniform na ang suot ko. Mas maiksi ata ang skirt ko noon compared ngayon. "Ooooy? Di ka parin ba tapos?"
Tinignan ko si Yuan na nasa pinto na nakasuot ng unform, I mean complete uniform. May necktie, may I.D, well transferee ako kaya wala pa akong I.D. "Ito naaaaaaa" at hinarap ko na siya.
Nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad napapaisip ako, makikita ko kaya siya? ... wait, dapat ko pa ba siyang makita? Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit. Kaya ko bang panindigan ang salitang 'yon?
"Oooy? Michi?" Nagising ako sa katotohanan sa pagtawag sa'kin ni Yuan. "Nandito na tayo" Nakangiting sabi niya at duon ko napansin na nasa gate na pala kami ng school.
Nagsimula kaming maglakad papasok "Isang room lang pagitan natin so kung may problema o kailangan ka puntahan mo lang ako"
"Thanks" tipid kong sagot.
Pumasok kami sa isang building umakyat kami at naglakad hanggang sa natanaw ko na ang room ko "Dito na pala ako. See ya" at nagwave hands ako habang siya nagdirediretso na sa paglalakad.
Bago ako pumasok huminga muna ako ng malalim dahil alam niyo na, papasok palang ako sa gate alam na nila na transferee ako kaya bago ang tingin nila sa'kin.
Pagkapasok ko magulo sila and mukang ako lang ang transferee sa section namin. Maingay sila, may nagpupulbo, may katawagan sa cellphone basta may sari-sarili silang mundo pero nakuha ko ang attention ng isang lalaki "Umupo ka nalang dito besides vacant chair 'to" nakangiti niyang sabi pero smell fishy siya. Gay?
"T-thanks" umupo ako sa vacant chair na katabi niya lang "Chris Jay, Cjay nalang for short" inabot ko ang nakaabang niyang kamay at nakipagshake hands. Hindi ba pwedeng Cgay nalang? Joke hahaha.
"Michelle, Michi nalang"
"Wow, pangbabaeng babae ang name ah"
"'Bat nga pala naisipan mo ditong mag-aral?" Nakangiting tanong niya habang salo-salo ng palad niya ang pisngi niya. Bakit ba ang mga gwapo ang nagiging bakla? wait, wala pa namang evidence na bakla nga siya.
"Well, gusto ko lang ng bagong experience" reasoning ko naman. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa iba ang nangyari sa'kin sa dati kong school diba? "Oooh? Akala ko naman dahil sa kanya" parang nadissappoint niyang sabi.
"Sino?"
"Yuan Caverly. Matalino siya especially in history and most of all ang handsome niya sa long hair niya" kulang nalang kumislap mga mata niya. bakla nga 'to, walang duda.
Paanong hindi siya tatalino sa history eh part nga siya ng history!
"Ah you mean him, hehe"
"'Bat kilala mo na ba siya?"
"N-naririnig ko lang ang tungkol sa kanya. Wait, iyon ba ang homeroom teacher natin?" Tinuro ko ang teacher na papasok sa room namin na nilingon niya naman. Sakto, thanks god. "Yeah, yeah" at umayos na siya ng upo.
Tumayo ang isang babae "Stand up!" Tumayo silang lahat kaya sumunod nalang ako "Greetings!" Sigaw niya pa.
"Good morning, Mrs. Saneda"
"Good morning. You may all sit down" umupo na kami.
"Nandito na ba ang lahat especially Ms. Danver?"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantastikWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...