Pagkarating ni Tita ay kumain narin kami. Masarap ang pagkain kaya medyo napalakas ang kain ko. Pagkatapos nun ay naglakad na kami pabalik sa sasakyan.
"Wait! Yuan, palit tayo ng lugar. Tumabi ka muna kay Tita" pagpigil niya sa'kin sa pagbukas ng pinto ng sasakyan "Bakit naman?"
"Inaantok ako ... " sabay pumasok na siya sa loob kaya umupo nalang ako sa tabi ni Tita.
Napansin ko naman na humiga si Michi sa likod at pumikit. "I-inaantok nanaman siya?"
"Hindi Yuan. Marami kasi siyang nakain kaya ganyan. Alam niyang may tyansa na magsuka siya kaya itutulog nalang niya. Mahina kasi siya sa biyahe" sabi ni Tita habang nagdadrive.
"Osige na, matulog ka nalang muna rin para makabawi kayo ng lakas. Gigisingin ko nalang kayo kapag malapit na tayo" tumango nalang ako dahil medyo inantok ako dahil sa kabusugan.
Sinandal ko ang ulo ko at pumikit hanggang sa hindi ko nanamalayan na nakatulog na ako.
***
"Mahal na Prinsipe, unti-unti ng nauubos ang mga tauhan natin!" Ang sabi ng isang lalaki na pinuno ng mga guwardiya.
"Prinsipe Yuan, marami pong tao ang humihingi ng tulong" natatarantang sambit ng isa pang taga bantay.
"Sabihan niyo ang dalawa pang hukbo na maghanda para sa laban--hindi, lahat pwera sa huling angkan ay sabihan mo na maghanda para sa laban at ang natitirang angkan ay pasunurin sa'kin. Magkita kita na lamang tayo sa laban." sabi ko sa pinuno ng mga tauhan at lumingon sa isa "Dalhin mo ako kung nasaan ang mga taong mga nakaligtas" tumango siya at nagsimula na kaming maglakad.
Pagkabukas ng isang pinto ay bumungad sa'min ang angkan ng mga Hamilton at iba pang angkan. "Pakiusap! Pakiusap, Mahal na Prinsipe, tulungan mo kami!" Umiiyak na sabi ng isang babae habang hawak ang kanyang mga anak.
"Pakiusap, tulungan mo kami!"
"Pakiusap! Pakiusap!" Ama, ano po ba ang dapat kong gawin? Bakit kailangang maiwan sa mga kamay ko ang mga ito? Hindi pa ako handa ... at mas lalong hindi pa ako handang makitang namamatay ang mga tao ng dahil sa kapabayaan ko.
"Y-Yuan! Yuan! Yuan, gumising ka! Yuan!" Pagtawag ni Michi na nagpagising sa'kin. "O-okay ka lang ba?" Tanong niya.
Nakaramdam ako ng init. Naramdaman ko rin na tumulo ang luha ko at duon ko napansin na umiiyak ako "B-bakit a-ako ... umiiyak?" Tanong ko.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan!" Sabi niya.
B-bakit nga ba ako umiiyak? A-anong dahilan? "May masama ka bang panaginip?"
P-panaginip? T-tama, naalala ko na. Iyon ang oras kung saan hindi ko na malaman ang gagawin ko dahil nalalapit na ang pagkatalo ngunit hindi ko na matandaan kung ano ang sumunod na nangyari maging kung paano at bakit iyon nangyari. K-kung ano ang naging resulta ng laban.
"Hoy? Kamahalan! Nakikinig ka ba?" Pagtawag muli ni Michi at duon napansin ko na nasa tabi ko na siya at siya ang nagpapaandar ng sasakyan "B-bakit ikaw ang nagpapaandar?! S-sanay ka ba?!"
"Sssssh!" paggamit niya rin ng isa niyang daliri "H'wag ka ngang maingay. Napansin ko na inaantok si Tita kaya ako na 'yung nagpresintang magmaneho. Dont worry, sanay ako!"
"Seryoso?"
"Tinuruan naman ako ng Daddy ko so it's going to be okay. Ah, about nga pala sa napanaginipan mo ... is it connected into your past?" Huh? Iniisip niya ba na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya?
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...