"Michi, Yuan, aalis na ako" sabi ni Kuya Kael na pababa ng hagdan. "Sigurado ka bang ayaw mo akong isama?" Tanong naman ni Michi habang busy sa binabasa niyang magazine at may subo subong lolipop.
"Hindi na, balak ko ring magstay kila Lola so magkikita nalang tayo sa sembreak" napatigil siya sa paglalakad nang may nahulog sa hagdan na kumalansing. Nilingon namin ni Michi 'yon at susi ang nahulog. "AAAAAH! Kuya!!!!" Napapatayo pang sabi ni Michi habang duro duro kay Kuya Kael 'yung lolipop niya.
"Heheh" nangingiting sabi ni Kuya Kael habang ako naman walang ka-idea-idea.
Lumapit si Michi kay Kuya Kael at dinampot 'yung susi "Ang akala ko ba wala kang susi ng kwarto nila Mommy?!"
"Hehe, s-sinabi ko ba 'yon?" Napapakamot na sabi ni Kuya Kael.
"Kuya Kaeeeeeeeeeeel!" Kaagad na dinampot ni Kuya Kael 'yung mga bag niya at kumaripas ng takbo "Yuan, ikaw na muna bahala sa kapatid ko! Feel free to use my room! Ingat!! See yaaaaaaa!" Huling sabi niya bago makalabas ng bahay.
Sinundan naman ni Michi "Ingat kuya! You have to treat me for thisssss! Or else your regret it! See you!"
"Fine to me! You take care of him too! Bye!" At saktong lumiko na siya ng takbo. Did he just addressed me as 'him'? This cant be possible that ... Iniisip ko at nilingon ko si Michi na halos hindi na masubo 'yung lolipop niya.
"Alam niya na simula palang na lalaki ka?.. "
"Parang ganun na nga? .... " sagot ko rin.
"But still hinayaan niya akong matulog sa iisang room kasama ka!! That migratory man!!!!!!!!!"
Wild is always a wild .. Geez.
"Sa kwarto ka na ni Kuya matulog kung ayaw mo, matulog ka sa labas ng mag-isa" habang pumapasok niyang sabi sabay upo ulit sa sofa.
"Oy, wala ka bang balak tignan 'yung result ng exam? Ngayon na makikita 'yon diba?"
"I-im not interested to begin with"
"Kinakabahan ka sa resulta no?" Nang-iinis kong tanong pagkaupo ko sa tabi niya "H-hindi no!"
Umiwas siya ng tingin "Well, kahit papaano kinakabahan ako. Ikaw ba namang stock knowledge lang ang gamitin?!"
"Kulang ka ng tiwala sa sarili mo" sabi ko at tumayo ako. "Tara na, sasamahan kitang tignan 'yung resulta"
"Bakit hindi nalang ikaw 'yung tumingin?" At tinaas niya 'yung mga tuhod niya at tinaas ang magazine niya na tumakip sa mukha niya "Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"M-meron naman. Haay, pero kinakabahan talaga ako eh"
"Kaya nga sasamahan kita. Kaya tara naaaaa" at binatak ko siya patayo.
Binatak ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nilock ni Michi 'yung bahay habang ako naman sumakay na sa bike "Ano tara na?" Aya ko paglingon niya.
Tumango lang siya at umangkas. Nagsimula na akong pumadyak. Sa totoo lang malapit lang 'yung school na pupuntahan namin compared sa dating school ni Michi. Kayang kayang lakarin kaso nakakatamad.
Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa school. Maraming taong pumunta para makita ang resulta.
Nilingon ko si Michi "Tara na sa office" naglakad ako pagkatalikod ko.
"Pwede manghintay" pilosopong sagot niya kaya nangiti ako. Hinayaan ko na sundan niya lang ako hanggang office. Ang haba ng pila. Pinapila ko na siya habang ako naghihintay sa bench. "Yuan?" Nilingon ko ang isang lalaking tumatakbo sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...