Chapter 31: Lost Memories

162 5 0
                                    

Babalik na sana ako sa guest room nang bigla akong napatanaw sa labas kaya imbis na sa Guestroom ako dumiretso ay lumabas ako.

Lumapit ako sa tubig pero iniwasan ko na mabasa ako. Dahil duon nakita ko ang reflection ng buwan sa tubig kaya ako napatingala para tignan ang langit.

Ang laki ng buwan ... at ang daming mga bituin .. napakalakas ng hangin. Pinakiramdaman ko ang paligid ko hanggang sa iba na ang naramdaman ko. Sobrang sakit ng ulo ko na halos maupo na ako.

"Prinsipe, katulad ng iniisip ko. Hindi ako ang para sa'yo, patawad .." ang sabi ng isang babae na sapo sapo ng mga kamay ko. Duguan siya at anu mang oras pwede na siyang mamatay. "Patawad ... patawad ... patawad kung hindi ko kinayang mabuhay para sa'yo. Patawad" kitang kita at ramdam na ramdam ko ang bawat luhang pumapatak sa binti ko na nagmumula sa mga mata niya.

"H-hindi! Mai! Mai gumising ka! Mai!"

Nagising ako sandali sa nakita ko. Naalala ko na kung sino ang babaeng minsan ko ng minahal at ang babaeng hindi ko naprotektahan ... Mai Saedan. Ang babaeng minamahal ko na namatay sa mga kamay ni Yoan.

Nabigla ako nang bigla nanamang sumakit ang ulo ko. But this time sobrang sakit.

Nakikita ng dalawang mata ko kung gaano karami sa mga kasamahan ko ang mga napaslang pero .. patas parin ang hukbo namin ni Yoan.

Nilisan ko ang lugar kung saan ko iniwan ang mga lumikas. Sa lugar na'yon nakakasigurado akong ligtas sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may umatake sa mga bantay na nasa paligid ko at ito ay walang iba kung hindi si Yoan. Sinugod ako ng mga kasama niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumaban. Dahil kapag hindi ako nabuhay sa laban na 'to nakakasigurado akong katapusan narin ng mga kasamahan ko na sobra kong iningatan para lamang mabuhay.

"Hindi mo pa ba nais na makasama sila Ina at Ama? Nakakasiguro ako na mas maganda kung sama-sama ang mga traydor" sintipatikong sabi niya.

"Kailan man hindi kami naging traydor, kung may traydor man sa pamilya natin .. ikaw 'yon Yoan!"

"At kung may dahilan man ng pagiging traydor ko .. kayo 'yon ng Hari! Bakit kailangan niyong parusahan ng kamatayan ang isang taong maaring magbago?! Bakit niyo siya kailangang parusahan ng kamatayan?!" Ramdam ko na nais niyang umiyak pero pinipigilan niya dahil alam niya sa oras na makita ko siyang lumuluha .. iisipin ko kaagad na mahina siya "Kasalanan ng kabiyak mo kung bakit nangyari sa kanya 'yon .. pumapaslang siya, at buhay rin ang naging kabayaran duon. Kailanman hindi ninanais ni Ama na pumatay ng isang tao .. pero napilitan siya, dahil hanggat may nabubuhay na masama sa mundong ito, hinding hindi ito magiging payapa!"

"Manahimik ka! Manahimik ka!"

"Yoan, Hindi siya namatay dahil sa parusa, namatay siya dahil lumaban siya! At pinaslang siya dahil may mga tao na nais protektahan! Siya ang pumapatay sa maraming walang kamalay malay na tao sa kaharian"

"Pero hindi iyon rason para kuhanin niyo ang buhay niya!"

"Kaya ba pinaslang mo rin ang babaeng minamahal ko?!"

"Oo, para patas ang laban. Ngayon alam mo na ang naramdaman ko nang mawala sa buhay ko si Cina"

"Sa una palang alam ko na .. masakit pero kailangan tanggapin"

"Ikaw nalang ang natitirang buhay, Mahal na Prinsipe"

"Bakit hindi mo damayan ang mga kasama mo, ang Hari at ang Reyna" dugtong pa nito habang nakangiti.

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon