Chapter 30: At The Beach!!!!

155 5 0
                                    

"Time to know who really Yuan Caverly is" walang pag-aalinlangang sagot ni Mattew.

Gusto kong suntukin si Mattew pero .. desidido siyang malaman lahat.

"M-Mattew! Itigil mo nga 'to" pagpigil ni Michi.

Hinawakan ko ang kamay ni Michi na ikinakalma niya. "H'wag na tayong maglokohan dito, Michelle. Alam ko namang mapagkakatiwalaan natin sila"

"Yuan ... " bulong niya


"Ang totoo po niyan .. hindi ko rin po alam kung paano ko ipapaliwanag kung sino talaga ako dahil po sa mga nawawalang ala-ala ko. Ako po si Prinsipe Yuan Caverly, galing po ako sa nakaraan para protektahan ang taong mahal ko na hindi ko nagawang protektahan nuon.  Napunta po ako dito sa tulong ng tatlong Gods kapalit po ng mga ala-ala ko  ... at hindi ko po alam kung makakabalik pa ako sa nakaraan at si Michi po ang nakakita sa'kin at tumulong" seryosong sabi ko habang hindi ko binibitawan ang kamay ni Michi.

"So you mean, totoo 'yung sinabi mo kagabi?" Tanong ni Ingrid na bumababa kasama sila Mattew at Kate.

"K-Kagabi?" Tanong ko naman.

"Diba nga sabi ko sa'yo kanina, kagabing lasing ka, kung ano-ano ng pinagsasabi mo tungkol sa'yo" nakacross-arm namang sabi ni Michi "Teka, hindi ba't lasing din kayo kagabi?" Dugtong niya pa.

Napakamot sila sa ulo "He-he, lasing kami but still kaya pa namin" sabi ni Ingrid.

"Ikaw nga talaga ang nawawalang Prinsipe?" Pagtataka naman ni Kate.


"O-oo, ako nga" sagot ko kay Kate at nilingon ko 'yung Mom at Dad niya "Mahirap man po paniwalaan ... pero ayun po ang totoo. Sana po maintindihan niyo ang sitwasyon ko"


"Naiintindihan namin, hijo" tinignan ko ang Mom niya na nakangiti habang lumalapit sa'kin "S-salamat po"

"And ang totoo niyan, nabanggit narin ni Nanay ang tungkol kay Yuan. We were just testing you if magsasabi ka sa'min ng totoo so for saying the truth that's enough for us to trust you" sabi ng Mom niya na nagpangiti sa'min.

Napansin ko rin na tanggap nilang lahat kung sino talaga ako. Naramdaman ko na humigpit ang hawak sa kamay ko si Michi. Nang tignan ko siya ngumiti siya.

"So now, kumain na tayo ng breakfast. We cant waste our time" sabi ng Dad niya.

Tumango kaming lahat kaya nagtungo na sila sa kusina habang kami naman ni Michi ay nagtungo sa kwarto niya. "Thanks god at nakaraos rin" sabi niya kasabay ng pagbagsak niya sa kama niya.

"Very thankful ako sa Lola mo, Michi"

"Without her help, I wonder what's gonna happen"

"Hm" pagtango ko naman.

Bumangon siya "Aayusin ko na mga gamit na dadalhin ko. Ikaw rin pumunta ka na sa kwarto ni Kuya, ayusin mo na mga gamit mo"

"Okay .. okay" at naglakad na ako palabas ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ni Kuya Kael para ayusin 'yung mga gamit na dadalhin ko.

***

After 3 hours nagbiyahe na kami papunta sa di ko alam na lugar. May sasakyan na dala 'yung parents ni Michi kaya hindi kami nahirapan. Pero may isang bagay lang akong pinagtataka ... "'Bat kasama kayo?" Tanong ko kila Ingrid at Mattew na katabi ko sa van. Putik ang sikip!

"Friends, right?" nakangising sabi ni Ingrid.


"Luckily, nagdala kami ng extrang damit kagabi" nakangisi ring sabi ni Mattew.


My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon