Tinanggal ko 'yung kumot sa paa ko at tumayo ako "Wait, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Mattew.
Tumango ako "Naayos ko na ang mga gamit mo at handa ka na para sa pagbalik natin" ang sabi ni Mom kaya napahinto ako saglit.
"P-pagbalik?" Pagtataka ko.
"That right, it's already quarter to six at 9 ang flight namin ng Dad mo"
Kaagad akong lumingon sa wall clock. Magsisix pm na nga! "Ilang oras ang lumipas since I passed out?"
"24 hours" sagot ni Dad.
"Seriously? ...."
"Yeah, seriously"
Naglakad na si Mom palabas ng bahay kaya sumunod nalang kami. Sa paglabas ko napatingin ako sa dalampasigan hindi dahil sa tubig nito .. kung hindi dahil sa kitang-kitang papalubog na araw.
Napatigil ako sandali "I feel nostalgic" salitang lumabas nalang sa bibig ko out of nowhere habang napahawak ako sa dibdib ko.
Pakiramdam ko .. may reason ako para maging malungkot nang makita ko ang sunset. Pero kung may rason man ... hindi ko alam.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kate na tumigil din.
"Kate, since kapatid naman kita. I just want to ask if may naalala ka something sa sunset na ginawa ko na?" Bulong ko.
Umiling iling siya "Ate, your kinda strange since you woke up"
"Nabagok ba ulo mo?" Biglang singit naman ni Ingrid.
"Oy, guys tara na" sabi ni Mattew na nakasilip sa bintana ng van.
"And speaking of sunset, you two make a promise infront of the sunset, right?" Tanong ni Ingrid habang naglalakad na kami.
"But in the end, nireject ni Ate si Kuya Mattew right after he came back here"
"Na tanggap ko naman" biglang singit nanaman ni Mattew.
Ngumiti ako at pumasok na kami sa van. Sa likod kaming apat but for some reason bakit pakiramdam ko maluwag na 'to kahit hindi.
"Mom, you sure na tayo lang?" Tanong ko habang paupo.
"What do you mean, sweatheart?"
"Pakiramdam ko lima kaming nakaupo dito nung time na papunta tayo" murmured ko.
"wha! Wait Michi, may nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Biro ni Ingrid.
"Kaya nga pakiramdam, diba?"
"Okay take two. wha! Wait Michi, may nararamdaman ka ba na hindi namin nararamdaman?"
Hinarap ko siya "Gusto mo bang matulog sa buong biyahe?"
"H-hindi hindi"
"Sabihin mo lang" sumandal ako at nagcrossed arm at pinikit ang mga mata ko.
Waa .. ano bang nangyayari sa'kin. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Pakiramdam ko may kulang eh!
Sa kakaisip ng kung anong kulang ay nakatulog na pala ako. At nagising lang ako 70% na biyahe namin at tanging gising lang ay si Dad na nagmamaneho.
"Pakiramdam ko mas matindi pa ako sa nagka-amnesia" bulong ko at napabuntong hininga ako.
"Mukang ang lalim ng iniisip ng anak ko. You can talk it with me .. I'm your father, after all"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...