Chapter 29: Meet Michi's Parents

169 6 0
                                    

Nagising ako nang marinig ko na may maingay sa kusina. Pagdilat ko ng mata, nandito ako sa sala katabi ni Mattew at Ingrid at katabi ni Ingrid si Kate.

Sakit ng ulo ko ..

Pinilit kong tumayo at nakita ko si Michi na naghuhugas ng pinggan. Habang tinitignan ko siya bigla kong naalala ang panaginip ko."And once your memory back, it's time for you to back in the past. No one will remember you in the future, as if you've never been there before. So you will be back with no worries"

Seryoso ba .. mababalik ako sa nakaraan kapag naalala ko na ang lahat ... at makakalimutan ako nila Michi.

"Oh? Kanina ka pa ba gising diyan?" Tanong ni Michi na nagpagising sa'kin. "Hm" pagtango ko.

"Kamusta ang pakiramdam?"

Pinunasan niya ang kamay niya gamit ang apron at ako naman umupo ako sa lamesa "Medyo may hang-over"


Nilapag niya sa table ang isang gamot matapos ang pagkain "Pagkatapos mong kumain inumin mo 'yan"


"Thanks" nagsimula na akong kumain at si Michi naman ay umupo sa harapan ko at pinanuod lang ako "Ikaw kumain ka na ba?"



Tumango siya "Kanina pa. Maaga akong gumising para maglinis. Nakakahiya kasi sa mga lasing na hindi man lang magising gising"


"Eh mapilit sila Mattew and even yung si Kate nalasing din"

"Wala ka bang naalala?" Seryosong tanong niya kaya seryoso din akong napalingon sa kanya. "A-about my past?"

Pero bigla siyang umiling "Hindi mo ba natatandaan 'yung mga sinabi mo kagabi?"


"K-kagabi? Hehe di ko maalala. M-may nagawa ba akong mali?"

"Binaggit mo lang naman sa harap nila Mattew, Ingrid at Kate na galing ka sa ibang panahon, na Prinsipe ka, na ikaw ang nawawalang Prinsipe ng Kaharian ng Caverly"


this is bad, really really bad ...

"Ipanalangin mo nalang na hindi rin nila maalala lahat ng pinagsasabi mo, geez!" Dugtong niya pa.

Napabuntong hininga ako "Sana kasi pinigilan mo sila na pilit akong painumin kagabi"


"Huwow, kasalanan ko pa"




"Ou na, kasalanan ko na"



Matapos kong kumain ay kaagad akong uminom ng gamot. Tulog parin 'yung tatlo, mukang sobra talaga silang nalasing.

Nang dahil sa katahimikang namagitan sa'min ni Michi ay bigla kong naalala ang nangyari.


Anong buhay ba ang naghihintay sa'kin sa nakaraan? P-pero kung bago pa man din ako maglaho ay buhay pa si Yoan ... s-sinong pumatay sa kanya gamit ang sarili kong espada?

"Oooooy, Yuan? Okay ka lang ba talaga? You seems in a deep thought? Parang mas matindi pa sa hang-over ang nangyayari sa'yo" sabi ni Michi na nasa harapan ko.

"Hehe, iniisip ko lang mga ginawa ko kagabi. A-ah, Michi, may open bang barber shop ngayon?"

Mukang nabigla siya sa sinabi ko "M-meron naman bakit?"

"Pwede mo ba akong samahang magpagupit?"

At mas lalo pa siyang nagulat sa sinabi ko at tinuro niya 'yung buhok ko. "S-seryoso? Wait, you told me before na gugupitin mo lang 'yan if you regain your memory. B-bumalik na nga ba ang mga memories mo?"

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon