Tinaas ko ang kamay ko at tinignan ang oras alas-tres na. In three hours, aalis na ako pabalik sa bayan. Tapos wala pa akong pahinga at tulog. Counted ba ang pagkawala ko ng malay kanina?
Tumayo ako sa pagkakahiga "Aalis na ako" sabi ko."Isama mo ako"
"Dont.want.to!" Sabay takbo pauwi sa bahay eh sinundan naman ako ng Prinsipe. Loko talaga 'to. Mukang hindi magandang idea na pumunta pa ako sa Maefair ng ganung oras. Waaa! Very wrong Michi.
Tumakbo lang ako ng tumakbo at inaasahan na matakasan siya. Sinubukan ko siyang iligaw kaso walang epekto.
Hingal na hingal akong napahawak sa gate ng bahay nila Lola "A-ano bang kailangan mo sa'kin?" Tanong ko kay Yuan.
"Nais ko na malaman kung ano ang nangyari sa giyera" ha? Ano namang kinalaman ko dun? Para namang may alam ako? Wala pa ngang 80 years ang lumipas nung ipanganak ako matapos nun eh!
Teka?!
Sandali!
Wait!
A-ano ba ang nangyayari? Napakamisteryo talaga ng lalaking 'to! In the first place, puro kamisteryuhan ang nangyayari! Yung akala kong patay na, buhay pa pala tapos nasa giyera daw siya? Walang maalala? Michi, ba't mo ba pinasok 'to???!
"Michelle, nakikinig ka ba?"
Humarap ako sa kanya "Oo, nakikinig ako! Okay! Fine! Im gonna tell you something. Yung war-- I mean, yung giyera na tinutukoy mo .. hundred years na po ang lumipas. Okay? Halos isandaang taon na! Maliwanag?"
"A-ano ang sinasabi mo?"
"'Yung totoo" binigyan niya lang ako ng expression na sobrang nagtataka "Okay, nasagot ko na ang tanong mo. Iyon lang ang nalalaman ko about doon. So kung maaari lang hayaan mo na akong makapasok? Wala pa kong tulog--kung meron man, halos ilang oras lang thanks sa pagkakahulog ko sa lawa. And that's all. Thank you!" At sabay sara ng pinto ng bahay at dinobol lock ko.
Gusto ko ng magpahinga. Thanks god at tulog parin si Lola. Dahil I know pag nadatnan niya pang gising ako masesermonan ako and that's not all, dahil ang dumi ko, panigurado .. yari ako.
Kaaagad akong dumiretso sa banyo para makapaligo dahil sobrang dumi ko talaga!
Pagkatapos kong maligo, sumilip muna ako if nagising si Lola pero still hindi parin kaya takbo ako papuntang kwarto ko at nagpatuyo ng buhok.
Hihiga na sana ako matapos kong i-alarm ang phone ko ng 5:20 am, 5:25 am, 5:30 am, 5:35 am, 5:40 am, 5:45 am, 5:50 am, 5:55 am at 6:00 am nang may narinig akong nagbagsakan na gamit sa kabilang room.
Nilapag ko ang phone ko sa kama at kaagad ko 'yon pinuntahan at laking gulat ko nang madatnan ko si Yuan na naghahalungkat, madilim na pero di na ko nag-aksaya ng oras para buksan ito mas sanay ako sa dilim "Anong ginawa mo?!" Mahina pero pasigaw kong tanong (A/N: meron ba nun?)
"Hindi ko naiintindihan ang mga nangyari. Paanong nangyaring maraming taon na ang lumipas matapos iyon, kung buhay ako" pag-iwas niya naman sa mga tanong ko.
"Kamalayan ko roon. Kahit ako hindi ko masasagot ang mga tanong mo. Patulugin mo nanaman ako please? Ilang oras nalang ang tulog ko oh. Wait bago ka umalis, paano ka nakapasok dito?"
"Sa bintana. Sa kagustuhan kong malaman ang totoo, nag-isip ako ng paraan para makapasok. Seryosong usap, Michelle Aena Danver, totoo ba talaga ang mga sinabi mo? At iyon lamang ba talaga ang nalalaman mo?"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...