Pagkagising ko ay nagpahinga muna ako then naligo ko sa cr which is nasa kwarto ko lang. After a hundred decades passed ng pag-aayos ko para sa paghahanda sa pagpasok ay bumaba na ako dahil malelate na ko. Pero bago pa 'ko makalabas ng kwarto ay napatigil ako dahil sa papel na nasa ilalim ng pinto ko.
Dinampot ko 'to. Galing kay Yuan, infairness ang ganda niyang magsulat "Mukang napasarap tulog mo. Nagdala ng almusal si Tita Salvi. Tinakpan ko nalang. Ang sabi ni Tita may pasok ka raw ngayon, alalahanin mong umuwi ng maaga dahil kagabi ay tinulugan mo ako imbis na turuan mo ako ng salitang Ingles" mahinang pagbabasa ko sa sa message na nasa note.
That guy.
Nilagay ko nalang ito sa cabinet na nasa side table ng kama ko then lumabas na. Paglabas ko ay wala akong nadatnang Yuan sa sala, inikot ko na ang buong mansion, chos bahay lang pero wala siya. Tsk! Bahala siya sa buhay niya.
Kumuha nalang ako ng tinapay at iniwasan 'yung pagkain na sinasabi ni Yuan sa note. Napansin ko rin ang ilang karne, isda at gulay sa ref nang kumuha ako ng bottle of water at sa tingin ko ay nakapamalengke na si Tita Salvi reason rin para bumangon si Yuan.
Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng bahay habang may kagat kagat na slice. Kinuha ko 'yung bike ko, yung single na may upuan sa likod.
Nagbike ako papunta sa school. Malapit lapit lapit lapit naman din ito, kahit papaano. Wala din naman kasing dumadaang sasakyan dito dahil isang maliit at makitid na street to at tatawidin ko lang ang isang kalye na daanan ng mga sasakyan kaya mas mabuting magbike nalang kaysa maglakad.
Nagbike lang ako ng nagbike hanggang sa marating ko 'yung dapat kong puntahan, ang school. Halos saktuhan lang nang maubos ko ang kinakain ko.
Huminto ako sa isang parking lot ng school kung saan pinaarada ang mga bike, yes I'm not the only one who uses bike in this school. Huminga ako ng malalim, school day nanaman. Hay! Time will pass, Michi.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng building dahil jusme! Sobrang aga ko pa para sa second subject!
Pagpasok ko sa loob ng campus ay umakyat ako sa tower of god, chos sa hagdan lang paakyat sa third floor na kinatatayuan ng room ko for first subject.
Huminga ako ng malalim before kong buksan ang pinto, yeah may pinto. Lalabas kasi ang hangin ng aircon. And by that, I caught everyone's attention "Sorry Ma'am, I'm late" sabi ko habang naglalakad papunta sa upuan ko at nakayuko.
"Ms. Danver, until now late ka paring pumasok? Kailan ka ba magbabago? Okay, sumunod ka nalang sa lesson and ask if you have something to ask. Always remember na malapit na ang exam niyo for this Semester" Sabi ni Ma'am at nagpatuloy siya sa pagtuturo.
Actually sanay na ako sa ganyan. May bago pa ba? Ang hirap kayang gumising ng maaga. Kaway-kaway sa mga late pumasok lalo na 'yung malalapit na ang bahay.
At hindi lang diyan nagtatapos ang story ko. Aba tanungin daw ba naman ako about sa diniscussed niya the time na wala pa ko? Does she think hindi ko masasagot 'yon? Hindi! Hindi siya nagkakamali!
Tsk. Sige next time--hindi, bukas na bukas, madaling araw palang nandito na 'ko. Kapag ikaw nalate, nako! Sagutin mo lahat ang milyong milyong diniscuss ko sa sarili sa sobrang kabaliwan! Bwisit, kung hindi kasi naiimpluwensiyahan ng Principal ang mga teacher dito, nako.
Sa sobrang inis ko ay napisil ko ang iniinom kong chuckie. "Oh? Nakabungasangot nanaman ang mukha mo" nilingon ko mula sa itaas ko si Kate. Nakaupo kasi ako ngayon sa table ko at nakatayo naman siya.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...