Nagkatinginan kami ni Yuan. Anong gagawin natin? tanong ko sa isip ko na parang maririnig naman ni Yuan.
"N-nagkakamali kayo ... H-hindi kami nakatira ni Michi sa iisang bahay"
Go Yuan, cheer nalang kita.
Binatak ko 'yung kamay ni Kate. "Ka-kailangan na naming umuwi. T-Tara na Kate, k-kitakits nalang bukas, Yuan" at binatak ko na si Kate palayo sa kanila.
Tinignan ako ni Yuan na parang naintindihan niya ang naisip ko "P-paano, a-alis na rin ako ha? Di-dito 'yung daan ko pauwi. Bye guys!" Sabi ni Yuan at pumunta sa kabilang direction.
"It's still smell fishy" bulongan nila Mattew.
Binilisan ko lang ng binilisan 'yung paglalakad ko. "Ate Michi, tama ba 'yung narinig ko na nakatira kayo nung guy sa iisang bahay?"
"A-ano ka ba. Syempre hindi. Look, pumunta siya sa kabilang direction pauwi sa kanila"
"But you know, may iba pang daan pabalik dito. So it's have a sense ... confess it already" nakangising sabi niya.
"A-anong aaminin ko kung wala talaga diba?"
"And to tell you, walang sikretong hindi nabubunyag" I know that line ... you dont have to tell me. "Pero wala namang mabubunyag kung walang sikreto diba?"
"KUNG wala"
"Maglakad na nga lang tayo" binilisan ko pa ang paglalakad para masabayan niya ako. Hindi maalis ang mga ngiti niya habang naglalakad kami pauwi.
"B-bakit ang tahimik sa inyo? Mukang wala'yung old man na sinasabi mo? Hindi kaya 'yung guy kanina--" putol ko kaagad sa kanya.
"I-impossible. B-bakit ko naman siya tatawaging old man sa age niyang 'yun diba?"
"Bakit nga ba?" Pumasok kami sa loob.
Kaagad siyang umupo sa sofa at ako naman ay dumiretso sa kusina pagkababa ko ng bag ko. Pinaghanda ko siya ng juice at tinapay. "Kamusta ka na, Kate? Wala naman sigurong ginawang hindi maganda 'yung dalawa sa'yo?"
Kinuha niya 'yung juice "Wala naman, hopefully. Ikaw ang kamusta na?"
"Ito thankful dahil ngayon, malaya na ako"
"Masaya ako na nakikita kang masaya" pero nawala ang ngiti ko ng matanaw ko si Yuan sa bintana na nasa likod ni Kate.
Sumensyas ako na sa likod siya dumaan at tumango naman siya "Ah, Ate, kung hindi 'yung guy kanina 'yung old man na sinasabi mo ... eh sino?"
Binalik ko 'yung tingin ko kay Kate "I-I think bumalik siya sandali sa-sa bahay nung apo niya"
"You think?"
"Hm" pagtango ko naman.
"Ate pwede pagamit ng cr" this is our chance!
"Go ahead. H'wag ka ng mahiya"
"Thanks" at tumakbo na siya sa cr habang ako tumakbo naman papunta sa likod para salubungin si Yuan na nakasilip sa pinto. "Hindi pa siya uuwi?" Mahinang tanong ni Yuan habang hinuhubad niya 'yung sapatos niya.
"Gabi ang uwi ni Tita so for sure mag i-stay si Kate dito ng ilang oras"
"Eh saan ako mag i-stay for an hour?" Pagtataka niya.
"Hindi ka pwede sa kwarto ni Kuya Kael since sarado ang room nila Mom no choice ako kung hindi sa kwarto ko. Tara hanggat nasa cr si Kate" tumango siya at nagmadali kaming naglakad paakyat sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...