Michi's POV
Pagkatapos kong gumamit ng rest room ay bumalik na ako sa macdo which is ineexpect ko na nandun parin si Yuan, pero nagkamali ako.
Ibang tao na ang nakaupo sa kanina lang na inuupuan namin. Sinubukan kong tignan ang bawat tao sa paligid pero nakakahilo dahil sa sobrang dami nilang daanan ng daanan sa paligid ko.
Pumunta ako sa rest room at umaasa na baka nagcr lang siya or something pero halos parang tren ang tinignan ko sa haba ng pila ng mga lalaki, halos pagtinginan narin ako ng mga tao sa paligid pero kahit sa rest room ay wala siya.
Lumabas ako ng restaurant at huminto saglit. Yuan, nasaan ka na ba? Kasalanan mo 'to Michi. Kung hindi mo lang sana hinayaang punuin ng isip mo ang mga nangyari sa nakaraan ay hindi sana magkakaganito.
Nagsimula na akong tumakbo pero hindi ganun kabilis dahil habang tumatakbko ako ay tinitignan ko ang paligid. Yuan, please magpakita ka na ...
Hindi ko alam pero bigla akong napahawak sa pendant ng kwintas. Hindi ko rin alam pero, alam kong wala sa panganib si Yuan. Nararamdaman ko nasa malapit lang siya. God and Goddesses, please show me the right way.
Kahit na nararamdaman ko na okay siya ay kinakabahan parin ako para sa kanya. Nag-aalala parin ako na baka may ma-encounter siya na mga bad guys. Nasaan ka na ba kasi, Yuan?!
Dirediretso lang ako sa pagtakbo. Bakit kasi dito mo pa siya naisipang dalhin Michi! Alam mo namang hindi siya familiar sa mga pasikot sikot dito but still pinabayaan mo siya!
Halos mabunggo ko na ang ilang tao sa paligid ko pero sorry lang ako ng sorry at pinagpapatuloy ko lang ang paglalakad ko. Halos maikot ko na ang first floor, lalabas na sana ako ng building nang sobrang daming tao ang nagpapasukan kaya napabalik din ako sa loob at naisipan na tignan siya sa second floor.
Pagkarating ko sa second floor ay naghanap nanaman ako ng batang naliligaw. Waaaa, nasan ka na ba?
Inikot-ikot ko na ang second floor pero wala parin siya. Pagod na 'ko Yuan, lumitaw ka na naman please.
Pero simula nung umakyat ako sa second floor nag-iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko malapit lang siya. Pakiramdam ko okay lang lang siya, mas tumindi ang nararamdaman ko na 'yon. "Kung malapit ka lang please, magpakita ka na" mahinang sambit ko habang umaakyat ako paakyat sa third floor.
Hanap ...
Hanap ...
Hanap ...
Pero wala parin siya. Umakyat ako sa fourth floor. Last floor nalang 'to at rooftop na.
Lakad ...
Lakad ...
Lakad ...
Tingin sa kanan ...
Tingin sa kaliwa ...
Tingin sa likod ...
Balik ang tingin sa harap pero wala talaga siya. Pero alam kong malapit na siya sa'kin. Malapit lang siya ...
Hinayaan kong maglakad ang paa ko. Hindi ko na alam kung saan ako balak dalhin nito. Nang malaman ko na wala si Yuan sa fourth floor ay umakyat nalang sa rooftop para tignan mula sa itaas kung nasa labas si Yuan sa baba. Pero habang papaakyat ako hindi ko alam kung puso ko ba ang naririnig ko o nararamdaman ko lang ang pagtibok ng puso ni Yuan?
Sa pagkapasok ko sa pinto ng rooftop ay laking gulat ko nang madatnan ko siya roon na nakatayo lang. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya "Geez! Bakit ka ba uma ... lis" pahina kong sabi nang makita ko kung ano ang tinitignan niya.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...