Yuan's Pov
Maglalakad na sana ako nang lumitaw sila Chronos sa paligid ko. "Wala ng dahilan para bumalik ka sa hinaharap, Yuan"
"Pero si Michi! Naalala niya ako!" Ang sagot ko naman.
"Sa ngayon oo, pero lilipas ang ilang oras ... unti-unti ka narin niya makakalimutan" sabi naman ni Aion.
"Sa umpisa lang siya magdudusa sa pagkawala mo but in the end, makakalimutan ka niya ulit and when that happen .. ang kalahati ng buhay mo na nanatili sa hinaharap, maglalaho narin. Dahil nakakasiguro kami ang connection ng puso niyo nalang ang natitirang nabubuhay sa mundo ng hinaharap" sabi ni Kairos.
"Pero kahit ganun pa man ... naniniwala ako kay Michi. Nagtitiwala ako sa kanya, dahil alam ko .. mahal namin ang isat-isa" seryosong sabi ko.
.
Tama Michi, I trust you ever since I met you. Your the one who said it, that our heart were already connected when the first time we met ... I believed, no such a thing that can cut that ties.Michi's Pov
Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. At dinala ako ng mga paa ko sa bundok ng Maefair.
Dito kami unang nagkita, diba? hindi sa bayan. Ngunit saang parte ng bundok na kinatatayuan ko ngayon ... aaaaargh! Bakit hindi ko maalala!
Tumigil ako saglit sa pagtakbo at huminga ng malalim "Kalma lang. Alalahanin mo lahat ng mga binitiwan niyang salita sa'yo. H'wag mo hahayaang mawala ang mga natitirang ala-ala niya. Even if it kills me, wala akong pakialam I just want to find and hug you. I want to hold your warm hands ... so please, patuloy mo akong mahalin"
"Ikaw? Sino ba ang totoong ikaw? Ang matapang na Michelle na nakilala ko sa bundok ng Maefair o ang umiiyak at mahinang Michelle na nasa harap ko ngayon?"
Siya ang lalaking nagpakita sa'kin kung sino talaga ang totoong ako.
"Hindi sa lahat ng oras tatakbo ka. Sa war, hindi pwedeng tumakbo ka lang ng tumakbo. Kapag hindi ka lumaban, mamamatay ka"
Siya ang nagturo sa'kin ng daan ...
Napatigil ako saglit dahil pakiramdam ko may kulang nanaman sa mga ala-ala ko pero nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Alalahanin mo lahat ... lahat ng masasaya at malulungkot na araw na kasama mo siya.
"Itigil niyo na 'to, kung ayaw niyong tumigil ang oras niyo sa mundong kinatatayuan niyo"
Siya ang laging nagpoprotekta sa'kin ...
"Hindi masamang maging mahina, pero hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mahina. Weaknesses become our reason to move forward-- to surpass our limit"
Siya ang nagdidikta sa'kin para maging malakas ako ..
"How can you be sure that I will pass that exam?" Mahina at nangingiti kong sabi "B-because it is you" nabigla ako sa sinabi niya.
Siya ang lalaking malaki ang tiwala sa'kin ...
"Michi, ayaw kitang nakikitang ganyan and I know ... you knew what I mean. Pwede kang magsabi sa'kin"
Siya ang lalaking nakakaramdam ng nararamdaman ko at hindi ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanya ang mga problema ko ..
"Mahal nga kita!!!! Akala ko ba malabo lang ang mata mo pero hindi ka bi-" putol niyang sabi ng yakapin ko siya bigla "Hm, nararamdaman ko. Mahal na mahal rin kita" kasabay ng pagtulo ng luha kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...