MICHI'S POV
Mga araw na lumipas naging kuntento ako sa kung anong nakikita ko at nararamdaman ko. Minsan nangangamba ako dahil pakiramdam ko talaga may kulang sa buhay ko but no matter how I seek ... hindi ko malaman kung ano 'yon.
"Bus no.34 class" sigaw ni Ma'am na magbabantay sa'min para sa 2 days tour sa isang sikretong lugar. Well, the truth is hindi ko na tinignan ang letter na pinagpapaalam ako sa guardian ko na inabot ko kay Tita Salvi para mapirmahan. Kasi hindi ako interesado at kung hindi dahil kila Ingrid ay hindi ako sasama.
Pumasok na kami sa bus at sakto na may pangtatluhan na tao kaya dun na kami. Nanguna na ako para sa tabi ako ng bintana at katabi ko si Ingrid na katabi din si Mattew.
"Gusto mo ng candy, Michi? Para hindi ka masuka sa biyahe" pang-aalok ni Ingrid.
Umiling lang ako dahil ayaw ko ng mga candy na malamig sa bibig "Thanks nalang. Itutulog ko nalang siguro 'to. Since puyat ako, ito na ang chance para makabawi ng tulog"
"Wala naman tayong gaanong activities ah? Ba't napuyat ka?" Tanong ni Mattew.
"Di ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog kapag alam kong ako lang ang mag-isa sa bahay"
"Eh? Pero dati ka pa naman natutulog ng mag-isa sa inyo diba?"
"Ou nga. Kung may kasama ka man minsan lang dahil sa pag-uwi ng Kuya mo" sabi ni Ingrid.
"Eh anong magagawa ko kung hindi talaga ako makatulog?"
"Edi matulog ka na nga. Goodmornight"
"Kay~"
Binaba ko ng kaunti yung bintana para may sandalan ang ulo ko dahil baka mamaya lumabas ang ulo ko sa bintana at madaanan ng malaking sasakyan at umuwi ako ng walang ulo.
***
"Maghintay ka lang ... " nagising ako dahil sa bigla nanamang salitang narinig ko na nanggaling sa kaparehas na boses na dating naririnig ko.
Hinaplos ko ang noo ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako. "Gising ka na pala? Sakto kaka-announced lang na malapit na tayo" sabi ni Mattew.
Tumingin ako sa labas ng bintana, hindi familiar ang lugar na dinaraanan namin "Malapit saan?" Tanong ko.
"Dont tell me hindi ka familiar sa daan na dinadaan papunta ng Maefair?"tanong naman ni Ingrid na nagising na rin.
"M-Maefair?"
"Hindi mo ba binasa 'yung letter?" -Mattew.
Umiling-iling ako na parang wala akong kamalayan sa mundo "Sa isang hotel ang stay natin ng gabi, di ako familiar dito so hindi ko alam kung malapit ba 'to sa bahay ng Lola mo"-Mattew
Sa Maefair pala ... ito nanaman ang puso ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.
"Dumaan na ba tayo sa bundok ng Maefair?" Biglang tanong ko na bigla nalang lumabas sa bibig ko.
"Hindi pa, bakit?" -Ingrid.
"W-wala naman"
Gusto kong bumisita sa bundok. Pakiramdam ko hindi lang katahimikan ang mararamdaman ko kapag pumunta ako ruon.
Huminto ang bus kaya nagising ako sa napakalalim kong pag-iisip. "Nandito na tayo sa hotel na tutuluyan natin. Bumaba na kayo at walang magtutulakan" ang sabi naman ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...