Matapos kong tawagan si Tita ay kaagad akong pumunta sa ikalawang building na mataas.
Pagkapasok ko. Ang dilim, wait, lumang hospital ata 'tong napasok ko ih. Teka? Ako lang ba tao dito? Masydo atang tahimik?
"Anybody home ... just kidding" mahinang biro ko sa sarili para maalis takot ko.
Pero tama na 'to, mamaya may sumagot!
Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng footstep sa entrance ng pinto. "Ano bang ginagawa mo?" Paglitaw nalang bigla ng mortal kong kaaway na si Stef na kasama si Taf.
"Nagsasalita ka mag-isa diyan. Nababaliw ka na ba?" Tanong naman ni Taf.
"Kung nababaliw ako siguro hindi lang ako nakatayo dito .. baka nasunggaban ko na kayo"
"As if namang kaya mo? Teka, nasan ba tayo?" Tanong ni Stef habang naglalakad papalapit sa'kin at iniiwasan ang mga kalat sa daan.
"Hospital na nabubuhay maraming taon na ang nakakalipas" seryoso ko namang sabi na halatang nagpagulat sa kanila.
"Oy, Stef, hindi niyo ba kasama si Kate?" Tanong ko.
"Hinahanap ka niya. Kasama niya 'yung si Aileen ba 'yon?" Sagot ni Taf.
"Ah" matipid kong sagot at dinalian ko na 'yung paglalakad ko para mahanap ko na rin si Kate.
"M-Michi" pagtawag ni Stef kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila "bakit?"
Lumapit sila sa'kin at mukhang nadala ako sa paglalakad nila. "I-I just want to say sorry ... I've done many awful things to you. S-sorry" halatang sincere niyang sabi kahit nahihiya.
"Finally ... ilang days ka na niyang gustong punatahan sa school mo and even sa bahay niyo pero hindi ka niya nadatnan" sabi ni Taf.
"I can forgive you as long as wala kang ginawang masama kay Kate"
"W-wala, promise!"
"I wanna see it myself" at binilisan ko na ang lakad ko na sinundan naman nila kaagad. Wala sila sa first floor kaya umakyat kami sa second floor. Kung madilim sa first floor mas madilim sa second at third floor kaya nagflashlight na kami gamit yung sa phone namin.
"Sigurado ka ba na nandito sila?" Tanong ni Stef.
"Ou, why did you two come anyway?"
"Nag-aalala din kami kay Kate no. Kapatid ko rin 'yon"
"Fine.fine"
Nagpatuloy lang kami sa paghahanap sa bawat floor. Pero ito nanaman ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko naranasan ko na 'to before. Pakiramdam ko nag-alala narin ako ng katulad nito. At pakiramdam ko .. importanteng tao rin ang hinahanap ko nuon.
"And here they are" sabi ni Taf nang marating namin ang pinto ng rooftop na nasa third floor na.
Nasa isang gilid sila kaya lumapit kami. Pero habang papalapit ako sa kanila pakiramdam ko unti-unting bumibilis tibok ng puso ko. Kahit hindi pa papalubog ang araw pagkatingin ko ay parang lumubog na 'to.
"Hinding hindi kita iiwan, pangako" boses nanaman ng isang lalaki ang pumasok sa isip ko kasabay ng pagdaan ng malamig na hangin.
Gustong magluha ng mata ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na halos nakakabingi na. Bakit ba ganto ang nararamdaman ko.
"Ate? Okay ka lang?" Tanong ni Kate.
Tumango ako at pasimpleng pinunasan ang patulo ko na sanang luha."M-may naalala lang ako. Kamusta ang viewing?"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...