Chapter 5: Kakaibang Pamumuhay

355 16 1
                                    

YUAN'S POV

Tsk. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to. Talaga bang ganito na ang panahon ngayon? Tsk. Mas maganda paring manirahan nuong unang panahon. "Yuan, ang totoo niyan nang ihatid ka dito ni Inang ay nabanggit niya sa'kin ang totoo" sabi nung Tita Salvi kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung totoo pero nabanggit niya na baka raw galing ka sa nakaraan. Mahirap paniwalaan pero kailangan dahil kailangan mo ng tulong hindi ba?" Dugtong pa nito.

Tumango ako bilang sagot "Wala po akong maalala, tanging ang pangalan ko lamang po at ilang pangyayari sa nakaraan lamang ang naalala ko. Kahit kung paano ito nangyari ay hindi ko rin po maalala. Kaya si Michi lang po ang inaasahan ko ngayon"

"And I think, that was she going to think someday" pagsalita niya sa salitang Ingles.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ah iyon ba, h'wag mo ng isipin 'yon. Maaasahan mo naman sa ganyan si Michi. Pero sa totoo lang, nung una ay akala ko ay babae ka ... pero hindi pala" medyo natatawa niyang sabi.

Napakamot naman ako sa ulo ko "Hehe, pagpasensiyahan niyo na po kung ganito ang anyo ko. Hindi ko rin po maalala kung ganito po ba talaga ang buhok ko o kung sadyang humaba ito dahil sa maraming taon na lumipas na tulog ako" napahawak ako sa buhok kong nakaipit pa at sobrang haba na mistulang pangbabae.

"Leave it for now, I know someday- ah! ang ibig kong sabihin hayaan mo muna 'yan dahil alam ko balang araw ay malalaman mo rin ang nakaraan mo. Binigay ni Lola ang tiwala niya sa'yo, kaya sana magtiwala karin sa kanya lalo na sa apo niyang si Michi" nakangiti niyang sabi.

"Opo, hindi ko po sasayangin 'yung pagtitiwala na 'yon"

"Salamat. Alam mo ba sa lahat ng apo ni Inang ay si Michi ang maalaga sa kanya ... even if she wasn't a true granddaugther" nagtaka lang ako sa sinabi niya pero nakakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niyang 'yon kahit hindi ko maintindihan "Yuan, saan ba kayo unang nagkita ni Michi?"

"Sa bundok po. Nagising nalang po ako na katabi si Michi sa tabi ng lawa"

"I think, it was the Maefair Mountain. Madalas sa Maefair si Michi. Kaya kapag nawala na siya, asahan mong nasa Maefair siya" pero kahit alanganing oras pumupunta siya.

"A-ang akala ko po ay ordinaryong bundok lamang 'yon. Pero mukang hindi po"

"Oo, dahil ang bundok na 'yon ay ang dating front line ng giyera at naging bundok dahil sa napakalakas na lindol" Front line, ang lugar kung saan nagaganap ang labanan.

Narinig ko siyang magbuntong hininga "Kahit na alam ni Michi ang tungkol ruon ay madalas parin siya roon. Dahil duon lamang siya nakakaramdam ng kapayapaan" ito pala ang rason niya.

"Tita, can you stop it? I dont like someone know's about it especially to someone like her-I mean him" sabi ni Michi na bigla nalang nagsalita kahit nakapikit siya at may nakaharang sa taenga niya na bagay na hindi ko malaman.

Narinig kong tumawa si Tita "It's okay Michi. Para naman malaman niya kung anong klase kang tao"

"But still, no one knows who really I am ... even myself"

"Time will come, you'll find an amswer"

"Yeah right ... I hope"

Sige, kayo nalang mag-usap. Kayo lang nagkakaintindihan dito.

"Oh, ayaw mo ng matulog?" Tanong ni Tita nang tanggalin ni Michi ang nakaharang sa taenga niya "Hindi na po ako makakatulog, lobat na po power bank ko ng hindi napufull charge ang phone ko and besides, ang ingay rin ng taong nasa likod" at sabay tingin niya sa'kin.

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon