Chapter 9: Effort

222 11 0
                                    

Araw-araw halos pareparehas ang routine ko. Late makakapasok, mapapagalitan ng teacher, maaga uuwi, tuturuan si Yuan at late makakatulog. actually, konti-konti nababawasan ang oras ng aga ko para sa second subject "Miss Danver, kailan ka ba matututo? I've heard from your first subject that you were late again in her class" Bungad ni Ma'am sa'kin matapos niyang i-end ang class at habang naglalabasan ang mga classmate kong mga feeling famous, mga snob kasi.


"Ma'am, sorry po. Lately po kasi sobrang dami ko ng ginagawa" reasoning ko naman. Totoo naman eh.

"Kung tungkol ito sa pagrereview mo para sa nalalapit na exam for the semester, tatanggapin ko. Pero iyon nga ba ang dahilan?" Tanong niya habang nangingiti.

Dahil sa ngiti niyang maladevil ay hindi lumabas ang word sa bibig ko "Papuntahin mo ang parents mo dito ng magkausap kami" sabi niya sabay bumalik siya sa table niya upang ayusin ang mga gamit niyang ang sarap guluhin.

"Ma'am, alam niyo naman pong nasa over seas ang parents ko"

"Wala akong paki-alam. Gumawa ka ng paraan, kahit sinong relatives mo .. kung meron. If hindi kami nakapag-usap, I will not going to give you an exam for the end of this semester" at umalis na siya. Napansin ko pa ang maladevil niyang ngiti bago lumabas ng room.

Bwisit talaga. Ano ng gagawin mo ngayon, Michi? Wala ang Tita Salvi mo nasa trabaho, wala ang napakabait mong kuya, nasa galaan. Alangan namang pauwiin ko pa sila Mama at Papa para lang dito diba? Gusto niyong nabatukan ako nun.

Napabuntong hininga naman ako. Kinuha ko nalang ang bag ko at nagmadali nalang ulit. Napansin ko nanaman ang grupo ng mga students na makakasalubong ko sa hallway bago ang pagbaba kaya binibilisan ko para mauna ako. Nakasalubong ko pa si Kate sa hagdan "Uuwi ka nanaman ng maaga, Ate Michi?" Tanong niya habang tumatakbo ako pababa.

"Eah! Busy days ang Ate mo ngayon. Ah! Kate, h'wag ka ng tumuloy diyan ... nandiyan ang mga pirana!" At nagpatuloy na ako palayo sa kanya.

Kaagad na 'kong nagbike pauwi. And katulad ng nakagawian ay tinuruan ko na siya sa english word. Tapos na namin ang A-Z at naituro ko narin ang ilang tawag sa bagay sa loob ng bahay even if that wasn't part of my lesson plan chos, nagtanong siya, sinagot ko lang naman and inabot kami ng pasko para lang matapos 'to and now, to make a sentence na "Oh game! Magsimula na tayo" sabi ko dahil kanina pa si Yuan sa kusina. Bahala na kayong mag-isip ng flashback na-- nagmamadali kaming patayin ang kalan.

"Bago 'yon, kain muna" at lumapit siya na may bitbit na mga chips-- no, it's more like a nachos. Tapos may mga giniling at repolyo na nakasabog na natatakpan ng sauce na mayonaise and ketsup na pinaghalo at "Binili mo?" Tanong ko habang kumukuha.

"Nope, ginawa ko 'yan. Palagay mo sa'kin, mahirap matuto?" Sabay kaen niyang sabi at umupo na sa tabi ko. Actually, hindi ko pa siya tinuruang mag-luto and mga ganyang pagkain ay natutunan niya lang kay Tita Salvi.

"Nasan na tayo?" Tanong niya habang nakatingin sa libro na nasa table. "Nasa Earth parin tayo, sa Pilipinas, at nakaupo" pilosipo kong sabi.

"Oo alam ko. Ang tinutukoy ko ay about sa lesson na ituturo mo sa'kin" improving na mokong. Mamaya nito, mapag-iwanan ako.

"Yeah, yeah, I know. About sa past tense and present tense and singular and plural na tayo"

"Ha?-" pagtataka niya.

"See? Di mo rin nagets. Tanong tanong ka pa kasi" at ngumuya ako ng tacos.

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon