Michi's Pov
Mas matindi pa 'ko sa lantang gulay matapos ang 2nd subject namin. No even the first subject lantang lanta na 'ko. Hindi nga ako late, wala naman laman ang tiyan ko. First time in my life na inuna ko ang first subject ko na wala naman kwenta kaysa sa pagkain ko, kaya 'yan sa'kit na ng tiyan ko.
Bigla kong naalala ang pinabon sa'kin ni Yuan na dinala ko naman. Kinuha ko 'yun sa bag ko at wow, butter vegetables! Napapawow kong isip. I know na hindi si Yuan ang may gawa nito kung hindi si Tita Salvi, so it's safeeeeeee.
Kinuha ko 'yung kutsara then subo. Nguya, nguya, nguya, 'shems, ang sarap!' "Himala ata at nagbaon ka? Napaaga ata ang gising mo, Ate Michi?" Si Kate, gawi niya na kasi ang pumunta dito.
"Hindi ako ang nagpepared nito. Late pa nga akong nagising. Gusto mo?"
"Nope, busog na 'ko. Eh sinong naghanda niyan?"
"That Old Man"
"Oooh, I want to meet that Old Man you were talking about, can I?!" Naeexcite niyang sabi.
"Hindi pwede" at nawala ang ngiti niya.
"'Bat naman? Ako naman ang pupunta sa inyo if nahihirapan siya sa paglalakad or whatsover" This is a misunderstanding.
Matapos kong maubos ang butter vegetables ay binalik ko na 'to sa bag ko. "Nako, Kate, bumalik ka na sa room mo. Malapit na ang end ng break time" at pinakita ko ang oras sa relo ko.
"Oh my! I must go" aalis na siya ng huminto siya "By the way, you still haven't faced them since the first day, right?" Tanong niya ng seryoso.
Tumango ako "Nakikita nila ako kapag uwian, but still doesn't make a move"
"Hmn, hindi kaya may binabalak sila?"
"Whatever they plan, I dont care"
"As always" pabulong niyang sabi na may halong lungkot na ngiti "See you at the afternoon--"
"I cant, I still have something to take care of"
"That Old Man you were talking about, haaay! Ok fine. Bisita nalang ako sa bahay this weekends. No but's! See ya!" At tumakbo na siya para hindi ko na siya mapigilan. "Geez, anak ka nga talaga ni Tatay" nababuntong hininga kong sabi.
So what is the plan Michi? Malalaman niya ang tungkol kay Yuan, anytime or soon.
Plan A, papuntahin ko siya tapos papapataguin ko si Yuan sa kwarto ni Kuya--hindi, madalas niyang puntahan ang kwarto ni Kuya Kael. Nakalock ang kwarto nila Mama .. hindi ko naman pwedeng palabasin ng bahay 'yun. --- XXXX! WRONG.
Plan B, sabihin ko ang totoo kay Kate at ipaliwanag ang nangyari. XXXX! WRONG. As if namang makikineg 'yon sa mga explanation ko at maiintindihan niya 'yon.
Plan C, pagpanggapin na friends kong girl si Yuan. Muka naman siyang babae dahil sa baby face daw niya, at sa long hair niya---- "Ms. Danver" nilingon ko ang teacher na nasa harap ko.
"Yes, Ma'am?"
"As I told you, kailangan ko ng makausap ang parents mo or any relatives. Malapit na ang semester, you only have few more weeks. Kailan mo sila balak ipakausap sa'kin?"
"But Ma'am, as I told you too, nasa ibang bansa po ang parents ko at wala po akong any relatives na free na nandito sa Pinas" sagot ko dahil naiinis na 'ko. Lagi ako ang napagtutuunan ng galit ng mga teacher kahit hindi sa'kin nagagalit. Tsk, kung may magagawa lang ako. "Sumasagot ka?"
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...