Chaptet 17: Listening

174 8 0
                                    

"Ikaw? Sino ba ang totoong ikaw? Ang matapang na Michelle na nakilala ko sa bundok ng Maefair o ang umiiyak at mahinang Michelle na nasa harap ko ngayon?!"

Nagulat ako sa salitang sinabi niya. "H-hindi ko na alam, Michelle. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan. Sanay akong nakikita kita na lumalaban" ang lalong ikinabigla ko ay ang yakapin niya ako "Kaya kung may dahilan man para maging ganyan ka, please lang sabihin mo sa'kin. Handa akong tulungan ka"

Ang init ng yakap niya. Ang init na nagpapakalma sa'kin. Para bang gusto kong ilabas lahat ng galit ko. "Tandaan mo. Sa isang giyera, kapag lumaban ka ng mag-isa, matatalo ka. Nandito ako, kasama mo ako"

Napakapit ako ng mahigpit sa t-shirt niya. "Handa akong makinig. Pero bago 'yon, gagamutin ko muna ang sugat mo"

"Hm" pagtango ko at bumitaw kami sa isat-isa. Umupo ako sa sofa habang siya kinukuha ang first aid kit. Sa pagbalik niya ay nagsimula na siyang manggamot "Nagsimula 'to, 7 years ago. Naalala mo pa ba 'yung sinabi ko sa'yo na for the first time na inlove ako at nagconfess. After na masira ang pangako ng dating mahal ko .. Syempre nasaktan ako. Sa pag-uwi ko, si Tita Salvi lang ang nadatnan ko. And that time, nandun lang pala siya para hintayin ako"

"P-para saan?" Tanong niya habang pinupunasan ng betadine ang sugat ko "Para ihatid ako sa hospital, lugar kung nasaan si Kuya Kael"

Nagulat siya sa sinabi ko dahilan para mapahinto siya sandali sa ginawa niya "A-ang step-brother mo"?

I nodded "Kapatid ko sa ama"

"Pero anong nangyari? Bakit siya nasa hospital?"

"Dahil sa injury. Sobrang daming pasa sa buong katawan. Kagagawan ng Step-brother and step-sister ko"

"S-seryoso? S-sarili nilang kapatid sinaktan nila?" Hindi makapaniwalang tanong niya at nilagyan na niya ng maliit na gasa ang sugat ko. "Hindi sila magkapatid. Dahil step-brother and sister ko sila sa first Dad ko, ang real father ko na may isang anak din sa babae niya"

Napansin ko na medyo nalito siya sa sinabi ko pero nagpatuloy parin ako dahil bakas sa mukha ni Yuan na handa parin siyang makinig "Siya ang napagbuntungan ng galit. Hindi matanggap ng babae ng real dad ko na hindi sila ang legal family. That time nalaman ni Kuya Kael na may binabalak silang gawin na masama sa'kin pero dahil kapatid na nga ang turing niya sa'kin, pinagtanggol niya ako kahit nasaktan siya ng dahil dito"

"Asaan na ang Kuya Kael mo ngayon?"

"For now hindi ko alam. Umalis siya dahil alam niya na naging weakness ko siya ... pero ang hindi niya alam--" putol niya sa'kin.

"Mas lalo mo siyang naging weakness ngayong hindi mo alam kung nasaan siya at kung paano mo siya poprotektahan, tama ba?" Mahinahon niyang sabi.

Hindi ko nasagot ang tanong niya kahit na alam ko namang tama siya. "Eh ang mga step-sister and brother mo sa real father mo nasaan?" Dugtong niya.

"Lagi ko silang nakikita sa school--" again, cutted by him.

"I see, naiintindihan ko na ngayon. Sila ang may kagagawan niyan sa'yo, dahil nga hindi nila matanggap na hindi sila ang legal family and at the same time, may kapatid ka talaga sa ama--kamusta naman siya?"

"Si Kate, mabuti siyang tao. Madalas siya lang ang kausap ko. Hindi katulad ng dalawa niyang kapatid na sila Stef and Taf" tama po kayo ng narinig. Ngayon ko lang napaliwanag sa inyo ang napakagulong family cycle ng buhay ko.

"How about ang mom nila nasaan?"

"Siya ang may ari ng school na pinag-aaralan ko ngayon so I dont think it was possible na makapasok ka roon"

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon