Nagising ako nang biglang umihip ang malakas na hangin. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at inayos ang eye glasses ko. Madilim parin and I think hating gabi pa pero napabangon ako bigla dahil alam ko ... bakit? Paano? Paanong buhay ako at nasa tabi ako ng lawa?
Dahil sa bigla kong pagtayo ay narinig ko ang pagkalansing ng kwintas na nasa leeg ko. P-paanong nangyaring suot ko ang kwintas na 'to? Tanong ko habang hawak ko ang espadang pendant ng kwintas. Dahil hindi ko 'to ganun katanaw dahil fitted siya sa leeg ko na parang choker at nakalawit lang sa crown ang espada.
"Hmn .. " napatingin ako sa kaliwa ko. Nagulat ako ng makita ko 'yung lalaking mukang babae kaninang nasa ilalim ng tubig na inakala kong patay na. Did he save me? Siya ba ang reason kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon?
You ask kung bakit lalaking mukang babae? Well dahil po 'yan sa mahaba at braided niyang buhok na may mga palawit-lawit pa sa harap. Kakaiba rin yung suot niya na parang cost player siya somewhere.
Umupo siya at umubo ng umubo. Parehas kaming tuyo pero may mga burak ang mga katawan namin. At sobrang dumi ng katawan namin na kala mo pulubi kami.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"A-anong nangyari? B-bakit narito ako?" Tanong niya naman habang lumilingon lingon sa paligid. "Sa tanong mong 'yan ..... hindi ko alam ang sagot. Ang tanong, anong nangyari sa'yo? Bakit ka nasa ilalim ng lawa?" Tanong ko naman habang pinapagpag ko 'yung kamay ko.
"I-ilalim ng lawa?" Nilingon niya ang lawa which is nasa likod niya lang. "Hilo ka ba? Nakita kita sa ilalim ng lawa--"
"Ni-niligtas mo ko?"
"Nope nope, wait! so you mean hindi ikaw ang nagligtas sa'kin?"
Nabigla siya sa sinabi ko at nagulat ako sa biglang pagtutok sa'kin ng kahoy na may matulis na dulo. Kaagad ko namang hinawi ang kawayan at nagdepensa. Sorry cauz I'm not only a member of the Kendo Club but the captain and a member of Taekwondo Club "Nice try. Bakit mo ginawa 'yon in the first place? Trying to kill me, hah?! " At tuluyan kong tinanggal sa kamay niya ang kahoy.
"L-Layuan mo 'ko!" Gulat kong sabi niya at inilayo niya 'yung kamay ko at napaatras siya "A-anong problema mo? Kung makatitig ka sa'kin parang mangangain ako ng mangangain! Hoy, kahit gaano man ako kagutom never ever as in never in my life na maiisip kong kainin kita!"
"Layuan mo ako, rebelyon!" Rebelyon? Huh??????
"Ano bang rebelyon ang sinasabi mo???" Mahinahon kong sabi.
"H'wag ka ng magkaila! Ang mga rebelyon lamang ang mga taong gumagamit ng salitang Ingles!"
Naengkanto ata ako. Mahabaging Diyos, kung namayapa na po ako please! Hayaan niyong maging mapayapa na ang kaluluwa ko! Napapasampal sa sarili kong isip.
"Hoy! Nakadrugs ka ba? Nabagok ba ulo mo? O sadyang baliw ka talaga? For your information close and open parenthesis at nakapaloob ang FYI, good girl ata ako! Hindi ako rebelyong tao! Okay?"
"M-mapagkakatiwalaan ba kita?" Seryosong tanong niya. Napansin ko sa mga tingin niya na hindi lahat ng sinabi ko ay naiintindihan niya "Mapagkakatiwalaan ako kung mapagkakatiwalaan kita. Gets mo? So anu ngang nangyari? Anong ginagawa mo sa ilalim ng lawa? Bakit buhay tayo? Bakit napakamisteryo mo?"
"Maari bang isa-isa lamang? Ang dami mong katungan. Sa unang tanong mo hindi ko alam ang sagot. Wala akong maalala bukod sa kung sino ako at ang ilang pangyayari sa giyera--" putol ko.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...