Nahinto ako matapos kong matapatan ang rank board. Second parin ako. Napabuntong hininga ako at tinignan na ang isa sa Section A-A1 o ang isang section na katulad ko rin pero nagkahiwalay ay nasa rank 3. Habang ang rank 1 ay si Stef, lagi naman.
"Try your best next time. Or maybe that was your limitation?" Rinig kong boses ni Stef mula sa likod ko. "Limitation mo mukha mo. Maghanap ka nga ng pagtitripan mo at h'wag ako"
Ayaw kong masira ang araw ko. Ayaw ko na magsimula ang araw ko na ganto.
Pero aalis na sana ako nang hatakin ni Stef ang kamay ko paharap sa kanya "At paano kung ikaw lang ang gusto kong pagtripan, aangal ka?"
"Oo, bakit buhay mo ba 'to?" Hanggang saan ba ang tapang ko?
"At buhay niya naman ang nakasalalay dito. Hindi ba?" Bulong niya.
Buhay ni Kuya ...
"A-ano bang kailangan mo?!" Sa sigaw kong 'yon nakuha ko ang attention ng mga student sa paligid. Naririnig ko ang mga bulong nila. "Matalino nga siya, pero isang duwag" rinig kong sabi ng karamihan.
Nang mapansin ko 'yon ay napatakbo nalang ako habang maluha luha ang mga mata. Nanghihina ako. Bakit nanlalambot ang mga binti ko?
Hindi ko na ginusto na pumasok sa second subject at dumiretso ako sa rooftop. Kasabay ng hangin sinabay nito ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam. Bakit ba nabuhay pa ako.
Nabalik ako sa reyalidad nang magring ang phone ko. Pagkakuha ko ay kaagad kong sinagot ang tawag "H-Hello?" Pagsisimula ko kahit medyo nanginginig ang boses ko.
"Michelle Aena Danver, nasaang lupalop ka ba? Ilang buwan ka ng hindi pumapasok sa Taekwondo Club. Did you quit? Have you forgotten that you were the captain of this club?! You crazy, Mich!" Ang manager ng club namin, si Aileen. Siya ang club friends ko, kung ipapadefined niyo ang personality niya para siyang manok na putak ng putak.
Pinunasan ko ang luha ko "W-wala rin naman tayong gaanong activity ngayon, diba?"
"Late ka nanaman sa news. Michelle Aena Hamilton Danver, may mga newbee po and the vice captain already taught them and all you have to do is sparring"
"Bakit ako?"
"Eh sino ba ang Captain dito? Ang Vice Captain, his tooooooo far in your strength. Kahit ako kaya ko siyang pabagsakin sa isang sipa lang"
"Oh, edi ikaw na makipag-sparring" bulong ko.
"Kung pwede nga lang bakit hindi. Basta inaasahan kita na aattend ka mamaya"
"Fine, fine. Aattend ako mamaya. Kaya please lang, itigil mo na 'yang walang tigil sa pananalitang bibig mo"
"Yeah yeah, see ya!" And she hung up.
Bakit ganun, hindi man lang ako nacheer up? Mukang kailangan kong ibuhos ang lahat ng hinanakit ko sa mga newbee, chos. Joke lang.
Napatigil ako nang sumalubong sa'kin ang napakalakas na hangin at kasabay nuon ay ang paglipad ng isang papel papunta sa paa ko. Dinampot ko 'to bago pa liparin palayo. Pagkatingin ko isang flyers ng isang Academy. Kung pwede lang, sana matagal ko ng ginawa.
Hinayaan ko na hangin na ang maglayo sa palad ko ng flyers at naglakad na ako papunta sa locker room para kunin ang mga gamit ko at ang pinaka importante ang taekwondo umiform.
Tumakbo na ako papunta sa club room at duon nadatnan ko sila na nag-eensayo. Kailangan pa ba ako dito? Bakit nga ba ako nagjoin ng gantong club in the first place?
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasyWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...