Chapter 18: Kael Danver

187 8 0
                                    

Nagulat ako nung hatakin niya ako. Hindi na naman ako nagpabigat at hinayaan ko na batakin niya ako. Hindi na siguro muna ako aattend sa club.

Ang init ng kamay niya, ang init na 'to ang nagligtas sa'kin.

"Ngayon, alam mo na ba ang sagot sa tanong mo?" Tanong niya habang patuloy kaming naglalakad. Ayaw kong amimin pero nagsalita siya "Hindi masamang maging mahina, pero hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mahina. Weaknesses became our reason to move forward-- to surpass our limit"

"Hm" nakangiti kong sagot at umiwas ako ng tingin sa likod niya.

Huminto kami sa parking lot at duon ko nakita ang bike "Buti at iniwan mo 'to. Kung hindi maybe your a half dead now"

"Halfdead ka diyan. N-nag-iisip lang ako ng paraan kanina kung paano ko ibablock 'yung bato na 'yon"

"Oh? Sa haba ng oras mo na nakapikit nag-iisip ka ng paraan? Heh"

"O-oo!"

"Hm? Kung hindi ko nga napigilan 'yung bato, wala ka na sanang pangit na mukha ngayon"

"Geez , W-well, thanks for coming" sabi ko at umangkas.

"Your welcome" nakangiti niyang sabi at nagmaneho na. "Why did you come, in the first place?" Nakapout kong tanong.

"Nabasa mo ba 'yung note ko. Nakasulat duon, hindi ka lalaban ng mag-isa"

"H-hindi ko nakita 'yung note mo. B-baka nilipad"

"Ganun ba" halatang medyo nadissapoint niyang sabi.

"Saan mo ba ako balak dalhin?"

"Bakit ayaw mo pa bang umuwi?"

"Eh? Tsk, umasa ko na may pupuntahan tayong lugar" napapafacepalm kong sabi.

"Baka marami akong alam na lugar dito, ano?" Paninimula niya ng away.

"Bakit hindi ka ba nagreresearch ng mag-isa?"

"As if namang alam ko gamitin ang laptop mo at basahin ang libo libong libro sa kwarto ng Kuya Kael mo"

"Geez"

Sumandal ako salikod niya at hinawakan ang pendant ng kwintas. Salamat talaga at nariyan ka, Yuan.

Pagkarating namin sa bahay ay nagulat kami dahil bukas ang pinto "Ang careless mo. Iiwan mo pang hindi nakalock ang bahay"

"Hm? Ang alam ko nilock ko 'yan" napatigil kami parehas nang may narinig kaming kaluskos mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Yuan pero nag kibitbalikat lang siya.

Hinanda ko ang Shinai ko pero hindi ko na inalis sa bag. Nagsenyas ako kay Yuan na papasok kami. Hinawi niya ang pinto at pumasok kami. Duon natanaw namin ang isang lalaking nakatalikod sa lamesa. Lumingon siya ng marinig ang yabag namin, at duon nakita ko kung sino siya, Kuya Kael ...

"Michi? Ang laki mo na!" Nakangiting sabi niya sa'min at sinalubong kami. Niyakap ko siya "Namiss kita ng sobra" gusto kong umiyak pero pinigilan ko.

"Kung saan-saan ka ba nagpupunta?! Leaving me here alone, you crazy!" Biro ko naman.

"Sorry, for leaving you alone. Nagkamali ako sa decision ko. Dont worry, hindi na ako aalis" at pinat niya ang ulo ko.

Nawala ang malungkot na ngiti niya nang mapansin niya si Yuan na nakangiti sa gilid "Sino?" Pagtataka niya.

"Si Yuan kuya, for the mean time dito muna siya maninirahan for some reason"

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon