Nagising ako na may kumot nanamang nakapatong sa likod ko. Nakatulog nanaman kasi ako sa table ko. Yes, this is my 13th day sa pagrereview. At this is my 13th day na nakakatulog sa study table ko. Tinignan ko 'yung note sa table ko. Good morning. Imimeet ko mga classmate ko by now. Hindi rin siguro ako makakapag lunch, nabanggit ko na kay Kuya Kael yon kaya wag ka mag-alala. Ah! Bukas na ang exam mo, kaya mag pahinga ka muna. Goodluck bukas -Yuan.
Nilagay ko sa drawer ko 'yung sulat katulad ng lagi kong ginagawa sa mga sulat niya. Napatingin ako sa hinihigaan ni Yuan na ngayon ay nakaligpit na "Makikipagmeet kauma-umaga. Tsk, what a playboy Old Pri---Huh?!" Putol kong sabi nang malingon ako sa orasan. It's 11 am lang naman.
Napatayo ako bigla at tumakbo pababa. Nadatnan ko si Kuya Kael na nagbabasa habang ngumunguya. Nakuha ko naman ang attention niya. "Oh? Buti gising ka na? Akala ko wala ka ng balak na gumising" namimilosopo niyang sabi.
"Wow, thanks for waking me up so early in the morning" sabi ko habang dahan dahang naglalakad papunta sa kusina "Kung akala mo lang. Oras-oras ata ginigising kita"
"Asussssss" at kumuha ako ng tinapay at cheese wiz at nagpalaman nalang "Kamusta ba pagrereview mo?"
"Just fine .... somehow"
"Somehow?"
"Well, lagi puyat eh" sabay subo ng tinapay. "Teenager nga naman oh. But y'know, kailangan mo ring ipahinga utak mo"
"Yeah, yeah. I know. Pero dapat ko ring gawin ang best ko para makalaya sa impyerno"
"Dapat alam mo ang pinakatopic ng bawat subject. Dapat may pointers to review ka"
"I have"
"Well, then goodluck"
"Well, Thank you very much" seryoso kong sabi at subo nalang ng tinapay.
Napansin ko na marami siyang binabasang aklat kaya lumapit ako sa kanya sa sofa at umupo din "Anong binabasa mo?" Tanong ko kahit tinitignan ko na 'yung mgalibro.
"G-Greek Mythology?" Nakangiti siya "Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa pagbabasa ng Greek Gods and Goddesses?"
"Just now?"
"No way .."
"Believe me or not, I'm kinda interested in this thing" sabi niya habang nagbabasa.
"It's Just strange na nagbabasa ka ng Greek Mythology. Before ang hilig mo lang basahin 'yung may mga connection sa science"
"Hehe" tanging sinagot niya.
Kinuha ko ang libro dahil sa tittle nito. The Gods Of Time.
"Caught your attention, huh?" Rinig kong bulong ni Kuya.
"It's Just ... " mahina ko lang na sagot dahil binabasa ko 'yung laman.
'Chronos is the time of the ego, and Kairos is the time of the Soul, Aion is the time of the Self' hmn ..
Nawala ako sa sarili ko nang magring 'yung phone ko. Unregister number. Sinagot ko "Hello po, sino po 'to?"
"Ang humble towards sa iba" 'Tong boses na 'to ... "Anong kailangan mo, You Old Man? And since when ka nagkaroon ng cellphone aber?"
"Eh? Bakit hindi ba nabanggit sa'yo ni Kuya Kael na niregaluhan niya ako nang makapasa ako sa exam?" Tinignan ko ng masama si Kuya Kael, nginitian niya lang ako "Unlike someone na hindi man lang ako mabigyan o kahit matreat man lang" dugtong ng matandang kausap ko ngayon sa phone.
BINABASA MO ANG
My Prince From The Century
FantasíaWhat if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo para sa ibang tao. Natakot kang magtiwala dahil minsan ka ng naloko. Si Michelle, isang babaeng minsa...