Chapter 14: Takot

192 10 0
                                    

Kinuha ko ng mabilis 'yung toy "Tsk! T-thanks"

Paano nagawang makuha ng isang newbee to?

"Sa war, kailangan alam mo kung sino ang target mo. Once na napinpoint mo na siya, have a plan para makuha mo siya, hindi ba?" Nagtataka lang akong tumingin sa kanya sabay talikod nang mabalik ako sa realidad.

"Tara na nga bumalik na tayo sa bahay, anong oras na oh" at tinaas ko 'yung isa kong kamay para ipakita 'yung relo ko. "Okay" pagsang-ayon niya lang at sinundan ako.

Yakap ko lang 'yung toy habang naglalakad kami pababa ng floor at palabas ng building. Nagtaka ako sa sobrang tahimik niya kaya nilingon ko siya at duon napansin ko na tinitignan niya ang paligid "Yuan ... Okay ka lang?"

Nilingon niya ako ng may ngiti at tumango "hm, nagtataka lang ako ... hindi ko akalain na ganto ang mga itsura ng mga tao ngayon, pati ng paligid" at hinawakan niya 'yung buhok niya.

"Gusto mo bang samahan kitang ipagupit 'yang buhok mo?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Umiling siya "Ito ang part ng kung sino ako sa nakaraan, hindi ko ito gugupitin until the day na maalala ko na lahat"

"Okay" mahinang sabi ko.

"Ah, speaking of that. Wala ka parin bang naalala?" Tanong ko habang hinihintay ko makarating siya sa lugar ko "Hindi parin sapat ang mga naalala ko. Hindi parin nasasagot ang tanong ko sa mga naalala ko. Sumakay ka na"

Umangkas ako sa likod ng bike at nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ako nakayakap sa kanya dahil hindi naman ganun kabilis ang pagmamaneho niya.

Sobrang tahimik. Katahimikan ang namagitan samin simula nang tanungin ko siya. Na para bang ang lalim ng iniisip niya tungkol sa tinanong ko.

Hindi ko na dapat inopen ang topic na 'yon. Hindi ako sanay na tahimik kami .. hindi, dahil isa siya sa mga taong nakakakita ng isang side ko.

"B-bakit nga pala hindi token mo ang ginamit mo kanina?" Pag-oopen ko ng topic.

Muka namang nagulat siya sa pagsalita ko "Naubos kaagad ang token ko dun sa basketball ba 'yon?"

"Ilan points mo?" Tanong ko pero napansin ko na nagtaka siya "Yung makikita mo dun sa tabi nung pinagshoshutan mong ring?"

"Ah, yun ba. First try ko is 68, second is 78 tapos ang last token ko ay 96"

"Seriously?!" Sa sobrang gulat ko ay halos tumagilid na 'yung bike na sinasakyan namin "Hoy, gusto mo bang masaktan? Subukan mo kayang h'wag maging malikot, ano?"

"Kung ako lang ayaw ko ng masaktan" bulong ko habang nakapout.

"Ha?"

"Wala, wala--" putol kong sabi nang malingon ako sa langit. Full moon, katulad ng araw na 'yon, ang daming bituin katulad ng araw na 'yon at ang ganda nitong pagmasdan katulad ng araw na 'yon, araw na unang beses kaming nagkita ni Yuan "Ne, Yuan"

"Hm?"

"Kung titignan mo ang langit para kang lalamunin nito, nakakatakot but still ang ganda nitong pagmasdan"

Napansin kong tumingala siya "Kung titignan mo sa tamang posisyon ang langit, makikita mo kung gaano kaganda itong pagmasdan"

"Hm" pagsang-ayon ko "I know that feeling. Gaano man kadilim ang mundo mo, there's still a light na tutulong sa'yo. Kapag nakahiga ka at pakiramdam mo nakatingin ka sa gitna ng langit, pakiramdam mo mahuhulog ang mga bituin. Para silang mga kamay na tutulong sa'yo. Mga liwanag na nagpapaliwanag sa madilim mong mundo"

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon