Saved from the life of hell

181 8 2
                                    

Pls. Vote and Comment

Add me on FB: Vhiell Agusin (Abracosa)

Follow me on Twitter: @VHIEtamins

Thank you sa lahat ng readers!

Love ya'll! :*

Lance's POV:

Mga torpe talaga yung mga lalakeng yun. Lahat naman sila sucessful pwera lang kay Emman. Inaway ba naman daw yung babae imbes na ligawan. Kaya pala bwiset na bwiset si Rhonna kahapon dahil kay Emman. Ang sabi ko sa kanya, ligawan niya, di awayin, malaki naman ang pagka-iba nun di ba? Di talaga yun marunong dumiskarte. Buti pa sila Kent, Seth, Joaquin, at Hale, nakakuha agad ng date sa kanila.

Mga swerteng lalake nga naman oh, minsan nga lang magtiwala yung mga yun eh, tas nakuha agad nila. Yan ang mga kakayahan ng mga gwapo. Pero di naman alam ng mga girls na nililigawan na pala sila. Tama kayo ng basa, nililigawan na nila sila. Ang bilis ng panahon noh?

Love at first sight daw eh. At ang galing nga naman ng tadhana, na-inlove sila sa katulad nila. Meaning to say, madami sila in common. Si Kent, pinaka-mabait sa amin at ganun din si Bianca. Si Joaquin, katamtaman lang naman, tulad ni Rhea. Di masyadong mabait, at di masyadong pangit ang ugali. Si Seth, Japanese at may pagka-bad boy din, ganun din si Yuki. Si Hale naman, bad boy, idol si Abra, at may pagka-sadista pag sa ibang lalake, tulad ni Audrey.

Mga perfect match talaga! Ang galing mo KISMET! 

Problema lang ay si Emman eh. Sayang pa naman! Leader ng grupo namin tas siya ang hindi nakakuha ng date. Parehas lang kasi sila ng ugali ni Rhonna eh. Pala-lait palagi. Kaya yan, sagutan ang resulta nila kapag nag-away. Sinintok pa nga daw ni Rhonna yun sa mukha dahil sa sobrang inis niya kay Emman. Ikaw ba naman ang halikan lang ng basta-basta. Buti nga si Gema kapag hinalikan ko yan surprisingly, hanggang hampas lang ako eh.

Kakaiba talaga kapag both leaders ang nag-away. Murahan daw sila eh. Pero ang hula ko is si Rhonna ang nanalo sa kanila. Palagi naman eh. Di kaya yun nagpapatalo kahit bata yung kaaway nun, pinapatulan niya basta manalo lang. Blood of a Champion kasi ang meron siya eh, kaya mataas ang perseverance.

 Ang boring! Saturday na kasi ngayon. Start of sem break namin. Ang ganda pala ng bakasyon dito sa Brent, halos isang buwan na.

Maka-tawag nga!

Calling Hale...

(Yo?)

"Pare,may gagawin ka ngayon?"

(Oo. Hang-out lang kami ni Audrey sa may Laguna Park.)

"Ahhh. Ganun ba? Geh! Goodluck bro!"

(Thanks! Dun ka nalang kasi kay Gema! Loner ka jan eh!)

"Hehe! Geh! Try ko lang"

(Geh. Bye)

calling Kent...

(The number you have dialled is unattended.)

Tinignan ko yung phone ko at nakasulat na 'Server busy'

Haist! Nasa date din siguro! Geh! Lahat na sila may date!

Tinawagan ko yung mga iba, pero wala din eh. Lahat busy daw. Si Emman naman nasa Baguio kasama yung family niya. Siguro mga 1 week lang sila dun tas punta sila ng Bohol. Mga rich kid kase,papunta punta kung saan nila gusto. Si Gema naman di pa nagbabakasyon. Nasa bahay palang daw sila ng mama niya, di daw kasi nila maiwan yung halimaw na yun kase kung iwanan daw nila, kakasuhan daw niya yung mama ni Gema. Kaya yun! Home Alone kasama yung halimaw na yun.

Bad vs WorseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon