Eiffel Tower
"T-Ticket??!!!!" tanong ko habang nakaturo sa hawak niyang dalawang papel. Unti-unti siyang tumango. O_____O So ticket nga?!!! Meron pala siya eh!
"YESSSS!!! Makakapasok na tayo sa loob. Tara, bilis!!!" hinablot ko yung kamay niya pero he refused to move. Pinipigilan niya ang bawat hatak ko sa kanya. Letchugas naman Lance! Hindi ito ang tamang oras para mag-inarte! -____-
"Ano na naman ba?!" inis na tanong ko sa kanya habang 'frustatingly' kong kinamot ang ulo ko.
"Kiss muna." sabi niya habang nakangisi at tinuturo ang kanang pisnge niya. Mabatukan nga -_____-
"ARAY! Ba't ka namamatok?!" tanong niya habang nagpipigil ng tawa. Aba! Ang saya mo ha!
"ANO NA NAMAN BANG KALANDIAN YAN HAH?!" tanong ko pasigaw. Letchugas naman kasi eh! Gusto ko na talagang pumasok sa loob! Gusto ko nang umakyat sa tuktok.
"To naman, di mabiro eh. Tara na nga. Excited ka masyado eh." sabi niya tas nagsimula nang maglakad papuntang entrance. Ayan, sumunod si ako XD
Nakangiti ako na para bang asong ulol na ewan. OMG! Nahahawa na ba ako sa pagka-asong ulol ni Lance? NOOOOO! I don't want to look like him! I don't want to look like a dog! >__________<
Binigay na ni Lance yung ticket sa guard. Bigla namang ngumiti yung guard nung kinindatan siya ni Lance. O___O
OMG! Bakla ba tong guard?! Pero malabo eh. Mukhang lalake naman. Tsaka yung ngiti niya, hindi yung nang-aakit o nanggagahasa na sa isipan. Parang may something. Ugggh, weird.
Pumasok na kami sa elavator. Ba't parang decorated? Siguro may event? Aish! Ewan ko ba! Nagmumukha tuloy akong ignorante dito. Sabagay, ignorante nga naman ako pagdating sa mga bansa sa Europe. Di pa ako nakakapunta dito sa takot na baka magtapo ang landas namin ng demonyong fiance ko DAW ayon sa kanya. Bleeee! Nasusuka ako kapag tinatawag kong fiance ng ugok na yun! -____-
(FJV's Note: Yung tinutukoy ni Gema na fiance niyang demonyo is si Kobe. Naalala niyo ba siya yung punyetang bakulaw na mukhang ulol na may ugaling demonyo? Kung naalala niyo, siya yun. Kung hindi, bumalik kayo sa previous chapters. Di ko na maalala kung anong chapter yun eh. Basta hanapin niyo nalang! -____-)
Lumabas na kami nang tumigil ang elavator. At nang pagkalabas ko, parang gusto ko nang bumalik sa baba. Parang gusto ko nang masuka. Ang taas ng view.
Ba't ba nakalimutan ko na may fear of heights ako. Nanlulumo tuloy ako. Napansin siguro ni Lance yun kaya bumalik siya sa harap ko. Nauna kasi siya! -___-
"L-Lance. Ah-eh... wag na lang pala. Sige, baba na ako, ikaw nalang jan." Papasok na sana ako sa elavator nang hablutin niya ang kamay. Lumingon ako sa kanya at seryoso siyang nakatigin sa aken.
"Wag mong sayangin ang effort ko. Pumunta ako dito, umagang-umaga palang, di ka pa gising nun. Nakipila ako, ang haba pa nga ng pila eh. Ayan tuloy, napuyat ako. Tapos pagdating natin dito, bigla ka nalang aayaw? Wag naman ganyan Gema." sabi niya sa akin na seryoso at nagpapaawa. Gulat ko siyang tinignan. Pero... naawa at na-touch ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bad vs Worse
JugendliteraturWhen a bad meets another bad, chaos and wars will happen. Pero paano pa kaya when the time comes when the bad meets the worse? This is when a bad and masungit boy meets the worse and maldita/bratinella/sadista girl. Samahan nyo kami sa nakakalokang...