Sa ngayon ay nandito kami sa Palawan Island para hanapin ang Water Crystal.
"Kailangan natin languyin ang malapit sa gitna ng dagat. Nandoon ang Water Crystal." Andrea.
Kaya nag-handa na kami. Kung alam niyo lang na mahirap tung pag-hahanap nako. Sana ay wala kaming makaka-sagupa na mga Dark Shadows.
"Hoy! Tulaley ka dyan dude!" Sabi ni Jasper.
Naka beach shorts kaming mga lalaki at walang pantaas. Sa mga babae naman ay naka sout sila ng sports bra at boxer shorts.
"Paki mo?"
"Wala lang, tulala ka kasi. Hali ka na at sumakay na sila ng bangka." Jasper. Tapos pumunta na doon sa may bangka. Sumunod na din ako at sumakay na.
Umandar na yung bangka kaya napa hawak ako sa hawakan, kami pala. Maliban na lang kay Rainy at Luis.
Maya-maya pa ay nag-salita na si manong.
"Mga maam mga sir, andito na po tayo. Di po kasi puede ilampas sa ref ang bangka kaya hanggang dito na lang po." Sabi niya.
(Yung ref po yun po yung parang harang.)
"Salamat po." Sabi namin.
Unang tumalon si Rainy palabas sa ref. Mukhang nataranta naman si manong.
"Naku! Bakit tumalon si maam doon?! Dilikado don. Mga sir! Tulungan po natin si maan!" Natataranta niyang sabi kaya na yung bangka namin sumadayaw na, at pustahan pa tayo mga readers kung di sya titigil diyan siguradong malulunod tong bangka.
"Wag po kayong mag-alala. Ito nga po pala 'bigay ng cold' salamat po at dinala niyo kami dito." Andrea. Nanlaki naman ang mata ni manong ng makita niya ang gold. Sa dami nun alam kong rarangya ang buhay niya. Di na siya naka pag-salita kaya tumalong na din kami. At para maka hinga kami sa ilalim ng tubig ay gumawa kami ng kanya-kanya naming barier. Ginawan na din ni Luis si Andrea ng water barier.
Lumangoy kami pailalim at sa pina ka ilalim dokn ay may naaninag kaming parang palasyo. Grabe palasyo sa ilalim ng dagat? Tapos doon nakita namin si Rainy na hinuhuli ng mga................Sirena?! Meron palang ganyan dito?
At pa sa alas quatro na lumangoy sina Windy, Landy, Heaty, at Snowy papunta sa kanya. At saka tinulungan siya.
Lumapit na din kami sa kanila.
"Sino kayo at bakit kayo nang-gugulo dito sa aming kaharian?" Ma-owtoridad na sabi ng kaka-rating lang na parang general.
"Nang-galing kami sa magical world. Ang Miracle Academy ang nag-padala sa amin. Ma-aari ba naming maka usap ang Hari at Reyna ng Mermaid tribe?" Heaty.
"Sumunod kayo sa akin."
Kaya sinundan namin siya.
Dinala niya kami sa isang bulwagan. Nakita namin ang dalawang tao na naka upo sa kanilang trono ang ang lungkot ng kanilang mukha.
"Kamahalan, paumanhin kong naistorbo ko kayo. May mga panauhin po kayo galing sa Miracle Academy." Sabi nung general.
Tumingin naman sa kanya ang Hari at pina alis na siya kaya kami na lang ang na-iwan dito.
Ng makita niya sina Snowy ay tila nabigla siya pati ang reyna. Lumangoy sila papunta sa amin at bigla nipang niyakap si Rainy.
Si Rainy naman ay gumanti ng yakap pabalik.
-------------
Tila may binulong siya pero di na namin na-rinig.
Kumalas siya sa yakap ng hari at reyna na ngayon ay naka ngiti na.
"Kamahalan, namiss niyo ata ako ng sobra." Naka ngiting sabi ni Rainy.
"Sino bang hindi mamimis ang isang napa ka mabait na bata." Reyna.
"Alam mo bang miss na miss ka na ni Sabrina?" Hari.
"Nasaan naman po siya?"
"Nasa kanyang silid."
Okay? O-P na kami dito ah.
"Ahem!" Fake cough ni Landy.
Napa tingin naman sa amin ang reyna at hari na parang naiilang.
"Welcome to the kingdom of mermaid tribe. I am King Blue." Hari.
"Ako naman si Reyna Hannon. At saka pasensya na, medyo natuwa lang kami sa pag-dating niya. Maligayang pag-dating sa aming kaharian." Reyna.
"Queen Hannon, King Blue. Patawad po ngunit andito po kami kasi may kailangan kami." Windy.
"Ano iyon?" Hari.
"Ang Elemental Water Crystal."
***
BINABASA MO ANG
The Princess Of Elemental Palace (Miracle Academy)
FantasyAn action story. About a love