Chapter 3

16 2 0
                                    

Chapter 3 - The Unexpected Meet

•~•~•~•~•

Vanessa's P.O.V.

Nandito kami sa Timezone ngayon at bigla kong nakita si Luke, yung ex ko. Nagtama ang mata namin at ang nagawa ko lang ay umiwas ng tingin sakanya.

Naglakad na ako papasok at bigla nalang hinila ni Luke ang kamay ko. Ayoko namang magtampo sakin ang mga pinsan ko para lang hindi makita si Luke. Pagbigyan ko muna sila Carlo at Cristine ngayon.

"Vanessa, lets talk." Sabi ni Luke. Ano bang problema niya, eh nakita ko na nga talaga lahat.

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan Luke. Malinaw na sakin lahat." Sabi ko sakanya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. "Vanessa, lasing ak--." Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya.

"Luke, lasing?! Lasing ka tapos may kasama kang babae sa kwarto mo tapos hindi mo manlang naalala na monthsary natin nun?! That's not a valid reason, Luke!" Sabi ko at naglakad palayo pero nakailang hakbang palang ako ay bigla akong napatigil. "At sana please, wag mo na akong guluhin pa." Sabi ko ng hindi siya nililingon.

Nagpatuloy akong maglakad at nakita ko na sa loob sila Tin.

Tumakbo siya papalapit saakin. "Ate saan ka po nanggaling? Kanina ka pa po namin hinahanap ni Carlo." Sabi niya at nakasimangot siya.

Ngumiti ako at tumingin sakanya. "Hindi na ako aalis kaya mag-enjoy na tayo. Tara na, dun kaya tayo na may Table Hockey." Sabi ko. Tumango siya at agad na kaming nagtungo sa may Table Hockey.

Dito ako mahina pero bakit eto yung inalok ko. Ewan ko lang nuh? Hahaha.. Yeah, as usual, talo nila ako. Sobrang napagod sila at nagpunta na kami sa Mcdo dahil nag-crave ako bigla ng Chicken Fillet nila. I used to eat this in Canada everytime na may extra money ako.

"Ate Vanessa, thank you po dahil napasaya niyo po kami ngayon. Maraming salamat po." Sabi ni Carlo.

Nginitian ko siya. "Wala yun. Gusto ko lang naman bumawi sainyo eh." Sagot ko sakanila.

Nakakamiss din yung paglalaro namin nung mga bata pa kami. Namiss ko tuloy maging bata, walang problema, puro laro at masaya lang. Ayoko magmukmok lang sa isang tabi dahil lang sa isang lalaki na niloko ako. Papakita ko sakanya na matapang ako, na matatag ako. 'Di ako tulad ng ibang babae jan na nagiiiyak lang sa isang tabi, pero hindi ibig sabihin non na manhid na ako, nasasaktan padin ako, sobra. Hindi ko kasi inakala na lolokohin niya ako ng ganun. Pero sige, pipilitin ko na siyang kalimutan pero hindi ko ito mamadaliin dahil ako lang ang masasaktan sa huli.

Inuwi ko na silang dalawa at nagpaalam muna ako kina tita na pupunta ako kina Trixy. Siya yung best friend ko dito

Nagdoorbell ako at ang sumalubong sakin ay si Yaya Leah.

Nagulat si yaya at parang hindi siya makapaniwala na nandito ako sa Pilipinas ngayon. "V-Vanessa? Ikaw ba talaga yan?" Hindi parin makapaniwala si yaya kaya nauutal siya.

Ngumiti ako. "Opo, meron pa po bang kamukha ko na kaibigan ni Trixy? Tsaka asan po pala siya?" Sagot ko naman.

Tumawa si yaya. "Andun siya sa taas nanonood ng movies." Sagot ni Yaya Leah.

Umakyat agad ako sa taas at nakita ko si Trixy na umiiyak. Pinapanood ba naman ang favorite niyang movie. My Ex and Why's.

Bigla nalang niya ako niyakap at ikinagulat ko iyon.

"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Sabihin mo nga sakin, Vanessa." Sabi niya habang yakap ako.

Luh? Problema neto? Di ko naman siya iniwan, ni pinagpalit hindi din. Baka broken hearted to. Wahahahaha! Sama ko!

"Hoy babae ka! Anong nabgyayare sayo? Lakas ng trip mo eh nuh?" Sabi ko.

Natawa bigla, baliw na nga to. "Sorry naman. Nakakadala yung movie eh." Sabi niya sabay tawa.

Umupo kami sa kama niya at nanood.

Nagulat ako sa sinabi niya nang magsalita siya.

"Kamusta lovelife?"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ouch! </3

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now