Chapter 13 - He likes me
•~•~•~•~•
Vanessa's P.O.V.
"I like you, Vanessa." Narinig ko yan sa isang lalaki pero pabulong niyang sinabi. Tiningnan ko ang lalaki at si..... Si Jim yun!
"Jim?" Sabi ko. Sinisigurado ko lang naman.
Nagulat ito at nilingon ako. "V-Vanessa?" Nauutal niyang sabi. "Kanina ka pa ba jan?" Tanong niya na puno ng pagaalala.
"Ah kakadaan ko lang. Pauwi na ako eh. May binili kasi ako." Sagot ko. What a great liar, Vanessa.
"Ihahatid na kita." Pagpepresenta niya.
"Sorry Jim, kasama ko kasi yung driver ni mommy eh. Next time nalang." Sagot ko na ikinalungkot ng mukha niya.
"Ay mauna na ako Jim. Iniintay na kasi ako eh." Sabi ko. Ayokong ma-awkwardan pa siya lalo. Kaya nagtatakbo ako papuntang kotse ko. Hayss.. Nakakahiya. Ang awkward.
Sa totoo lang wala talaga akong driver na kasama, pero eto si Jim, sinundan ba naman ako.
"Vanessa, sorry kasi na-awkwardan ka sakin kanina. Sana wag ka namang mailang." Sabi ni Jim.
Ngumiti ako sakanya para sabihin na okay lang. "Walang problema, Jim. Tanong ko lang, totoo ba lahat yun." Pagtatanong ko. Na-curious ako eh, bakit ba?
Umiwas pa siya ng tingin saakin. "A-Ah eh, o-oo Vanessa. T-Totoo lahat yun." Sagot niya sabay tungo. Grabe nauutal pa siya.
Sasakay na sana ako ng sasakyan kaso pinigilan niya ako. "Ah, Vanessa. Pwede magtanong?" Tanong niya. Nagtatanong na siya diba? Dejoke.
"Oo naman. Ano yun?" Sagot ko.
"Uhm, Vanessa. Pwede bang manligaw?" Tanong niya sabay ngiti. Yiee! Nakakakilig yung ngiti niya. "Pero kung hindi pwede, okay lang." Dagdag pa niya.
"Sige Jim. Bibigyan kita ng chance." Sagot ko. Pero syempre, pa-hard to get muna bago maging kami.
"Talaga?!" Sabi niya. Grabe yung ngiti neto, abot tenga eh.
Tumango nalang ako at nagtatatalon siya sa saya. Akala mo naman sinagot ko na siya as boyfriend ko. Siguro, first time niya kaya ganyan. Ganyan din si Lu--, nevermind.
After niya magtatatalon niyakap niya ako at nagpaalam na uuwi na siya at ganun din ako. Medyo late na din eh.
Pagkadating ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto, nag-lock, humiga at umirit habang may nakatakip na unan sa mukha ko. Kenekeleg si ekoo, enebe! Whahaha...
Sa sobrang saya, nakatulog ako ng maaga.
Morning...
Nagising ako sa alarm ng phone ko pati na din sa taong kaharap ko. Si kuya, gusto niyo siyang makilala? Nako, napakagwapo niyan. Wag na, baka mainlove ka jan, manhid pa naman yan.
"Good morning, princess." Ayan ang tawag sakin ni kuya at madami pa yan ha. Isa palang yan.
"Ang aga aga mo mang-bola kuya ah." Sabi ko tsaka umupo sa higaan. Teka, WALA PA AKONG BRA! KUYA NAMAN EH!
"Kuya, pwede labas ka muna? Dali na, please. Labas ka muna." Pagmamakaawa ko.
Tumawa siya ng mahina. "Nakita ko na, Vanessa." Sabi niya tapos sabay tingin sakin ng parang may balak na masama si kuya sakin.
"LUMABAS KA NGA KUYA!" Sigaw ko. Tsaka tumakbo na siya palabas.
Eto ako nilagay yung ano ko then bumaba.
"Ma, ayan oh. Si Vanessa, sinisigawan ako." Pacute ni kuya kay mama. Para siyang ewan.
"Kuya, hindi bagay." Sabi ko then rolled my eyes.
Humarap si mama at nilagay sa harap namin yung food. "Tumigil nga kayong dalawa at kumain nalang kayo." Sabi ni mama kaya kumain na kami.
Habang nasa kalagitnaan kami ng tawanan. May nagdoorbell.
"Sino yun?" Tanong ni Kuya Drake then nagkabit balikat ako.
"May bisita ka ba, Vanessa." Tanong ni mama at umiling ako.
Pumunta ako sa gate para tignan iyon.
"Good morning, beautiful."
•~•~•~•~•
Sino kaya ito? It's just between Christian and Jim lang naman diba. Expected ko na si Christian 'to for sure. Malakas yun makamood swings, promise. Oh ayan na spoil ko tuloy kayo.
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.