Chapter 25 - The Break Up
•~•~•~•~•
Jim's P.O.V.
"Jim, I want to talk to you."
Naglakad kaming dalawa palabas ng BigHit nang tahimik. Ni isa samin walang imik, ewan ko ba. Parang may nararamdaman akong masamang mangyayari.
"Jim, let's break up." She said. B-break up? Why? No! Ayoko!
"Why? Anong ginawa kong masama? Sabihin mo sakin at aayusin ko." 2 months palang kami, wala na agad?
"Ayoko na, Jim. Ayoko nang may masaktan pa. Baka mamaya kung ano pang gawin sayo ng Sam na yun kaya mas mabuting itigil na natin 'to." Paliwanag niya. Hindi ko maintindihan. Bakit?!
"Vanessa naman oh. Wag kang ganyan." Sabi ko at akmang yayakain ko na siya, tinulak lang niya ako palayo. Bakit? Bakit Vanessa?
"Tama na, Jim. Itigil na natin 'to." Sabi niya bago tumakbo. Van, wag mo 'kong iwan.
Napaupo ako sa sobrang sakit.
"Bakit? Vanessa, bakit?"
•~•~•~•~•
Vanessa's P.O.V.
Oh, anong sasabihin niyo sakin? Selfish ako? Edi ako na! Nakakapagod na din naman eh. Sa loob ng 2 months lagi nalang kaming mag-kaaway. Hindi niyo alam? Edi ikukwento ko.
Flashback | August 23, 2016
Nandito kami ngayon sa park ni Chris. Nagusap kasi kami na pag nanalo yung favorite kong basketball team, ililibre niya ako ng ice cream dito. Eh hindi, yung kanya yung nanalo. Kaya eto ililibre ko.
"Thank you, Vanessa." Sabi niya. Para saan naman kaya?
Humarap ako sakanya. "Para saan?" Tanong ko sabag subo ng ice cream.
"Dahil sinamahan mo ako ngayong araw na 'to. Thank you very much." Sabi niya at yumakap sakin. Niyakap ko din siya kasi wala namang malisya kasi magkaibigan lang kami.
"Ano ka ba, wala yun." Sabi ko.
Tumingin siya sa langit. Anong meron? "Teka, mag-gagabi na ah. Baka hanapin ka na ni Jim. Ihahatid na kita." Sabi niya. Tiningnan ko din ang langit, mag-didilim na nga.
Tumango nalang ako at sumakay sa sasakyan niya. Habang nag-dadrive siya, walang umiimik pero may sounds, yung theme song namin ni Jim.
Nakarating na kami sa bahay at bumaba na ako. "Salamat Chris. Sa susunod ulit." Sabi ko at kumaway na sakanya. Ganun din ang ginawa niya.
Nang makaalis na siya sa tapat ng bahay namin ni Jim, pumasok na ako. Oo, sa iisang bubong lang kami tumitirang dalawa.
Nakita ko siya sa dining table, umiinom.
"Bakit mo kasama si Christian?" Tanong niya kaya lumapit ako at tumabi sakanya.
"Nilibre ko lang siya dahil sa pustahan naming dalawa." Sabi ko at bigla niya akong tiningnan ng pagkasama-sama.
"Sus! Ang sabihin mo mas gusto mo siyang kasama kesa sakin na boyfriend mo." Sabi niya. Hala! Wala naman akong ginagawa ah.
"Wala akong sinasabing ganyan, Jim. Tsaka, bakit ka ba nagkakaganyan?" Tanong ko.
Hindi siya nagsalita at bigla nalang pumasok sa kwarto niya. Yes, may sarili kaming kwarto dito, we dont share.
Kumatok ako sa pinto. "Uy Jim, sorry na. Yun lang naman yun eh. Hindi na mauulit." Sabi ko pero walang nasagot kaya mas minabuti ko nalang na pumasok sa kwarto ko.
*End of Flashback*
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.