Chapter 26

11 0 0
                                    

Chapter 26 - I Need You

•~•~•~•~•

Vanessa's P.O.V.

Wala na kami ni Jim. Minsan kasi ang hirap nang intindihin yung pagseselos niya eh. Nagseselos na siya sa wala. Minsan nga sukong suko na ako dahil sakanya eh, sa pagseselos niya pala.

Pero, di porket ako yung nakipaghiwalay eh hindi na ako masasaktan. Hindi din naman ako pabor sa desisyon na yun eh. Kundi lang buhay niya ang kapalit, hindi ko gagawin yun.

*Kring! Kring!*

Sino naman kaya 'to? Gabi na masyado ah?

"Hello?"

"Oh, buti naman at sumunod ka sa kasunduan natin. Good girl." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Please. Wag mo siyang sasaktan. Parang awa mo na. Kahit wala na kami, mahal ko pa siya."

"Hindi ko naman siya sasaktan eh. Ikaw kaya 'tong nanakit sakanya! Teka, meron pa pala akong isang hihilingin."

"Ano naman yun?"

"Layuan mo na siya or else, may masasaktan." What the?! Ganun na ba siya kadesperadang paghiwalayin kami?

Humanda ka sakin, Samantha.

•~•~•~•~•

Tama na muna tayo kina Jim at Vanessa. Naiiwan na masyado si Christian at yung iba.

•~•~•~•~•

Christian's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa school, may emergency meeting daw ng mga president eh pero dahil wala si Vanessa, ako muna ang papalit. VP naman ako eh, kakabreak palang kasi nila kahapon eh. Bakit kaya? Masaya naman sila nung mga nakaraang araw ah? Aish! Hindi mo na problema yun, Christian.

Kung hindi ko pa nasasabi sainyo na si Vanessa ang Pres. ng 1st year at ako naman ay Vice President. Tadhana nga naman oh, lagi nalang mabait sakin. Minsan nga, pinagseselosan na ako ni Jim dahil lagi ko siyang kasama eh. Sadya naman na magtutulungan ang VP at Pres. kaya lagi silang magkasama, diba?

Sadyang seloso lang kasi si Jim kaya ayun. Nasabi na din sakin ni Vanessa na nag-break na sila. Ako pa nga ang naging towel niya kahapon eh. She cries a lot in my shoulders. Para tuloy akong naligo ng may damit nun. Plus, mahirap pa siyang patahanin.

I must be glad na break na sila kasi maliligawan ko na si Vanessa. Pero, parang ayaw ko pa. Why? I respect Jim, sobra.

Kakabreak lang nila tapos liligawan ko na agad siya. Maybe, next time ko nalang ituloy. I'll let her move on from her problem first.

*Kring!! Kring!!*

Ano ba yan! Epal eh! Ngayon na nga ulit ako nagka-POV, may eepal pa.

(Baby Vanessa❤ is calling..)

Uy, wala naman akong sinabing epal diba? Namali lang kayo ng basa, diba?

"Oh Vanessa, napatawag ka?" Sagot ko. May narinig akong iyak at hikbi. Anyare?

"Anong nangyari? Bat ka umiiyak?!" Dagdag ko pa. And now, I'M REALLY FREAKING OUT!

"I *sob* I-I need *sob* you."

•~•~•~•~•

Ms. Author po ito. Uh, kung may nakikita po kayong typo, sorry po. Hindi na po kasi ako nag-back read eh. Pero aayusin ko naman po yan.

BTW, ano kaya ang nangyari kay Vanessa? Abangan...

•~•~•~•~•

Ms. Author ulit! Thank you at umabot kayo dito. Uh, baka minsan nalang ako guys maguupdate kasi malapit na din ang pasukan namin. Sorry guys, pero pipilitin kong makapagupdate para sainyo. Yieeee hahaha!!

잠사핲니다!!

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now