Chapter 23

7 1 0
                                    

Chapter 23 - Oh no!

•~•~•~•~•

Jacob's P.O.V.

Hi! Kilala niyo na naman ako kasi, I'm worldwide handsome.

Napapansin ko lang na wala manlang nagsasalita ni isa saaming grupo.

Si Christian, nasa window, malalim ang iniisip.

Si Dominic, tulala na ewan.

Si Lucas, gumagawa ata ng steps.

Si Jim, ayun kasama si Vanessa.

Si David, halata mo sakanya na nagaalala na sa members kung bakit ganito kami.

Si Andi, ayun, SLEEPING BEAUTY ang peg! Letche 'tong lalaking 'to. Laging tulog hindi naman puyat.

Minsan nga hindi namin pinapaupo si Andi kasi alam namin na matutulog lang yan eh.

Tsaka ang hindi nakikinig samin ay ayan si Andi. Pag yan pinapagalitan, di yan nakikinig. Nung inenterview nga kami about dun alam niyo yung sagot niya? 'Swag'. Ayan yung sagot niya, letcheng kausap yan eh. Pero mababait naman yan kahit papaano.

May kumatok sa pintuan at iniluwa nito si....

"Did you guys miss me?"

Nanlaki ang mga mata namin pero si Vanessa ay naguguluhan parin.

"Samantha?" Sabi ni Jim. Paktay!

Naglakad papalapit si Sam kay Jim at aktong hahalikan niya sa pisngi si Jim ay bigla nalang itong pinigilan ni Vanessa. "What are you doing?" Tanong ni Sam.

Ngumisi si Vanessa. "Eh ikaw? Ano sa tingin mo ang gagawin mo sa BOYFRIEND ko?" Pabalik na tanong ni Vanessa. May diin pa yung pagkasabi ni Van ng boyfriend. At yun ang dahilan ng paglaki ng mata ni Sam sa gulat.

Tumingin ito kay Jim. "Ipinagpalit mo na ako, babe?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Sam kay Jimjim.

Tumayo si Jim at humarap kay Vanessa. "Kahit kelan hindi kita ipinagpalit, Sam. Ikaw! Ikaw ang unang umayaw! Iniwan mo ako at ipinagpalit sa iba. Wala na tayo, Sam. Malaya na akong gawin ang gusto ko. Si Vanessa na ang may karapatan sakin at hindi na ikaw." Pagpapaliwanag ni Jimjim.

Umiyak si Samantha. Psh. Iyakin kasi yan. "Jim, hindi mo naman kasi alam ang dahilan. Kaya kung hindi kita lalayuan ay papatayin ka nila." Sabi niya habang humahagulgol. Minsan ang sarap netong kutusan eh. Iniiyakan yung mga bagay na siya ang may kasalanan.

Eto naman si Vanessa, gulong gulo na sa mga nangyayari sa paligid.

"Sam, wag ka na ngang umarte na concern ka pa sakin because you really don't. Kaya umalis ka na sa harapan ko bago pa kita masaktan." Sagot naman ni Jim.

Umiyak pa lalo si Sam. "Eto ang tatandaan mo Jim. Once na sinaktan ka ng babaeng yan ay hindi na kita tatanggapin pa." Sabi niya sabay alis. Hindi naman ito tiningnan ni Jim dahil baka lalo pa siyang magalit dito.

Lumapit kaming lahat kay Jim. "Jimjim, sorry. Hindi namin ito sinabi sayo ni Lucas kasi baka magaalala ka pa lalo. Madadagdagan pa ang problema mo." Paunmanhin ni David. Alam niya? Bakit hindi niya sinabi sakin?

Tumango nalang si Jim at hinila na siya palabas ni Vanessa. Paktay!

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now