Christian's P.O.V.
Andito ako ngayon sa garage namin. Gagamit muna ako ng kotse kasi kinakabahan na talaga ako kay Vanessa. Nanginginig ang boses niya at umiiyak pa. Tapos sabi pa nya 'I need you' daw. Aish! Ano ba naman kasi ang pinasok nun. Nung huli, sa bar. Don't tell me dun ulit. Ah! Ayoko nang makipagbugbugan! Sawa na ako!
Di bale na, gagamitin ko muna yung Ducati namin, I mean KO pala. Hahaha! Bahala na, puntahan ko muna sa bahay nila.
Nagmadali na ako. Pinatakbo ko nang mabilis tong motor ko. Wala na akong paki sa mga sasakyan, tanging si Vanessa nalang talaga.
Nang makarating na ako sa bahay nila, agad ko namang tinanong kay tita yung kwarto niya. Kung hindi ko pa nababanggit sainyo na kilala ko na ang tita ni Vanessa, well ngayon alam niyo na.
"Vanessa?" Sabi ko nang marahan na binubuksan ang pinto ng kwarto niya.
Nakita ko siya sa gilid ng kama niya, nakaubob habang umiiyak. Ano na naman kasi ang nangyari dito.
Napaangat siya ng ulo nang tawagin ko siya sa pangalan niya at tumakbo sakin sabay yakap. Bakit? Ano ba kasing nangyari?
"Christian, *sob* ayoko na *sob* nahihirapan na ako. *sob* Parang hindi ko na kaya." Sabi niya.
Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. "Okay lang yan Vanessa. Tutulungan nakang kitang makalimutan ang nangyari. Err, move on pala." Sabi ko. Kalimutan agad? Hahaha! Patawa ka, Chris.
"Thank you." She answered and smiled. Nakakamatay na naman ang smile niya kahit galing sa iyak.
"Matulog ka na, Vanessa. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko.
Hinintay ko muna siyang makatulog bago umuwi. Kailangan eh, baka mamaya umiyak ulit. May pagkaisip bata pa naman yun.
"Tita, aalis na po ako." Pagpapaalam ko sa tita ni Vanessa.
"Sure ka ba, Miggy? Magaalas dose na ako. Dun ka na lang sa isang guest room namin matulog tapos papahiramin nalang kita ng damit bukas." Sabi ni tita. Wala na akong magagawa kasi masyado na ding madilim ang daan kaya dito nalang ako magpapalipas ng gabi.
Pumasok na ako sa kwartong sinasabi ni Tita. Nilagay ko ang susi sa tabi ng lamp dito sa table malapit sa bed. Humiga na ako para matulog. Pero hindi eh, ayaw pa matulog ng isip ko. Para bang may bumabagabag sakin.
~Flashback~
"Vany, tara laro ulit tayo ng taya tayaan." Pagsasuggest ko sa kalaro kong si Vany. Ang cute nga ng name niya eh.
"Sige, basta ikaw ang taya." Sagot naman niya.
Tumango naman ako at nagsimula na kaming magtayaan. Hindi ko siya mataya kasi masyado siyang mabilis tumakbo. Si flash ba tong kalaro ko? Ang bilis eh.
Hanggang sa napagod kami, umupo kami sa isang tabi at pinanood ang palubong na araw.
"Vany?" Pagtawag ko sakanya.
"Hmm?" Pagsagot niya saakin. Sarap nito kausap eh.
"Pag tayo tumanda na, ikaw lang ang babaeng mamahalin at papakasalan ko." Sabi ko. Mature ba masyado? Ganyan na talaga ako mag isip kahit bata pa ako.
"Talaga?! Promise mo yan ha?" Sabi niya. Ang cute talaga niya.
"Oo, promise!" Sabi ko at nagpinky swear kami.
Yun ang pinakamasayang araw ko.
Pero...
Yun din pala ang huling pagkikita naming dalawa.
~ End of Flashback ~
Bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Vany, asan ka na? Miss na miss na kita."
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.